Year 2013 (PAST) - Part VII
--
D I N N E R"Libre ni Edward! Nanalo siya eh! Hahaha"
"Huyy! Loko ka talaga! Siya nga tong guest natin eh. Buang ka!"
"Nahhh, just kidding bro. My treat. First time to kaya we invited you! Para naman maranasan niyo malibre ng isang Marco Gallo! Hahahaha"
"Oo nga. Once in a blue moon kaya buti nalang Edward nandito ka! Hahaha"
"Hey, Maymay thanks for the invite. Bro, thanks too!"
"Wala yun uy! Hala to, parang naiba! Magkakaibigan naman tayo eh."
"So ano guys, dramahan nalang? Kain din ah! Hahaha Alalahanin niyo, libre ko to!"
Ipinagpasalamat na nila ang pagkain at ang pagkapanalo ng dalawa. Nagkwentuhan at nagtawanan lang silang tatlo na para bang walang araw na hindi sila nagtalo. Hindi kasi nakakalimot si Maymay ng kaibigan. Kahit pa ilang beses siya sinaktan, tatanggapin niya parin.
"I missed this, guys."
"Luhh! Hindi ka naman kasi sumasama samin!"
"Yeah. Sorry about that. I just had to, for some reasons."
"Oy! Nagdadrama nanaman kayo!"
"Si Edwardo kasi! Inumpisahan niya. Hahaha"
"I just feel happy right now."
"Aysus! Ikain mo nalang yan bro! Hahaha"
Sumagi sa isip ni Edward na tama lang ang naging desisyon niya - to choose friendship over love. Pwede pa namang magkaayos sila, siya lang tong lumalayo at umiiwas sakanila. Hindi niya na rin muna iniisip Ang feelings niya kay Maymay kundi focused siya sa kung anong naayos na ulit sa samahan nila.
--
G R A D U A T I O N
Dumating na ang araw na pinakahihintay nila - ang kanilang graduation. Valedictorian si Maymay, at hindi naman yun kaduda-duda matalino talaga siya. Kung meron nga lang si Tanner, siguro Salutatorian lang siya dahil aminado naman siyang mas matalino si Tanner sa kanya. Napaisip tuloy siya bigla.
Kumusta na kaya si Tanner? Bakit kaya hindi siya nagsabi tungkol sa paglipat niya? Ano nga kasing dahil bakit sila nag-aaway ni Edward noon? Siguro Valedictorian din yun, kung nasaan mang eskwelahan siya. Sigurado yun.
Sobrang proud ng Mama Lorna at Mama Ludy ni Maymay. Sayang wala na si Papa Joe, hindi niya na naabutan ang pagtatapos nito. Present din naman si Kuya Vincent ay syempre si Fenech na naging photographer nila.
May honors din na natanggap si Marco at Edward. Matatalino din kasi sila. Kaya naman, full support ding dumating ang kanya-kanyang pamilya nila. Present lahat sa family ni Edward na nanggaling pa sa Germany - si Laura, Daddy Kevin at Mommy Cathy. Naiwan si Edward sa Pilipinas mag-isa nung nagsimula ang school year na ito kaya wala silang gaanong alam sa mga nangyari sa kanya.
Kay Marco naman, present ng Mommy Annie niya at ang tatay niyang kauuwi din galing ng Italy. Nang natapos na ang programa, tinawag at hinila ni Fenech si Marco.
"Kuya! Tara dun picture kayo ng ate ko!"
"Huyy! Nagulat pa ako! Saan ba siya? Tara!"
"Andun po sila banda."
"Mom, Dad. I'll just check on Maymay."
Nagpunta sila kung saan nakaupo ang pamilya ni Maymay. Magkakakilala at close naman silang lahat kasi nagpupunta si Marco sa bahay nila. Ganun din naman si Maymay sa pamilya niya. Magkakaibigan narin ang mga magulang nila.
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕