F O U R T E E N

1.4K 78 4
                                    

Year 2012 (PAST) - Part X

Sinundo ni Edward si Maymay sa bahay nila ng saktong 11AM. Ito ang unang pagkakataong makakapunta siya sa bahay nila, at makikilala pa ang pamilya niya. Kinakabahan si Maymay dahil ang iniisip niya ay baka hindi siya magustuhan ng pamilya ni Edward. Syempre, may gusto siya kay Edward, wala mang nakakaalam at parang assumera lang, pero kasi kung sakaling magiging sila man . . dapat gusto siya ng mga magulang.

Itinigil ni Edward ang sasakyan, lumabas siya at pinagbuksan si Maymay ng pinto. Sa centralized parking ng subdivision nila nagpark si Edward. Bawal pa kasi magpasok ng kotse sa ngayon kasi may construction sa kalsada ng subdivision.

"We can only use the car this far."

"Ahh. Ganun ba? Malapit na ba bahay niyo dito?"

"A bit far pa. Don't worry, we won't walk that much. The sun's up, it's too hot."

"Ha? Tara, umpisahan na natin, para makaabot tayo. Nakakahiya pag late tayo dumating."

"Just wait here. I'll just get something near the clubhouse."

"Okay, sige."

Bumalik si Edward na nakasakay sa bike. Alam niyang hindi marunong si Maymay kaya naman isa nalang ang kinuha niya, iaangkas niya nalang ito.

"Ayyy halaaa! Paano?!?!?"

"Hey, trust me. I'll take care of you. Sakay na!"

"Nako Edwardo ah! Juskolored! Kinakabahan ako sa'yo."

"You'll be safe. Don't worry."

Pinaupo ni Edward si Maymay sa may crossbar ng bike. Nang humawak na si Edward sa handlebars gamit ang magkabilang kamay niya, nilingon siya ni Maymay na may kinakabahang ngiti. Para lang siyang pasimpleng niyayakap ni Edward dahil nasa pagitan siya ng mga braso nito, yun nga lang hindi mahigpit.

"You promise ah? Wag tayong sesemplang, okay?"

"Yes! I have a driver's license, remember? Hahaha"

"Patay na, Bai! Homaygash! This is not a car, Edwardo! Baka iharurot mo din to ah!? No!"

"Just kidding. Calm down, we'll be safe. It's not that far either."

"Sabi mo yan ah!?"

"Brace yourself, here we go!"

Napasigaw si Maymay at biglang napayakap paharap at kumapit kay Edward dahil sa takot nito. Pababa kasi ang kalsada kaya ayaw niyang tignan dahil pakiramdaman niya ay dadausdos sila. Tawang-tawa lang si Edward sa kanya. Kahit gustong-gusto niya man ito titigan nalang pero hindi pwede - kasi andyan lang siya, sobrang lapit pa, pero kailangan niya magfocus at baka sumemplang sila.

"Hey, try to see it! It'll be fun for sure!"

"Hoyyy ayoko! Wag mong bilisan pag-pedal uy!?!"

"Nahh, c'mon! The view's nice, believe me. How can you remember how to get here by yourself if you won't see it?"

"Luhh! Huyy di naman ako pupunta dito pag wala ka noh! Sandali. Wait. wait lang!"

"Okay I'll stop, but promise me you'll try facing it already? You know, you're really weird. This is what 'living in the moment' looks like kaya!"

"Oo na nga, sige. Sige. I trust you."

At nawala na nga ang kaba ni Maymay dahil nagtiwala siya kay Edward. Nagsisigaw pa ito sa saya, at nag-enjoy talaga siya hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila Edward. Sobrang laki ng bahay nila, tatlong storeys. Ang ganda sa labas, pero nakikita niya palang mula sa gate na mas maganda pa sa loob. Sobrang yaman nga nila Edward, pero sobrang humble niya naman.

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon