Year 2017 (PRESENT) - Part IV
Nasundan pa ang mga lakad ni Edward at Maymay dahil nga wala si Marco ng isang linggo. Required siyang mag-attend sa isang conference na may kalayuan dahil parte ito ng OJT niya.
Dahil sa susunod na linggo pa darating si Marco ay naalala ni Maymay ang napanalunan niyang raffle tickets noong Anniversary ng agency kung saan siya nag-oOJT. Hindi pa nila ito nagagamit ni Marco dahil busy sila pareho. Ang problema, mag-eexpire na pala ang tickets sa linggo.
Wala siyang ibang pwedeng makasama dahil halos lahat ng natanong niya ay hindi pwede sa araw na iyon. May isang tao nalang siyang hindi pa natatanong. Nahihiya siya, sa totoo lang, pero sinubukan niya parin. Tinext niya nalang ito.
"Edward, do you have lakad on Sunday? Can you join me somewhere if wala?"
"None. I'm free on Sunday. Sure. Where shall we go?"
"It's medyo malayo eh. Pero don't worry I have tickets. We don't need to make gastos ng sobra."
"It's okay. Where is it then?"
"Sa Enchanted Kingdom. I know it's weird pero kasi I won two vouchers from an event, mag-eexpire na pala. Sayang naman."
"I think that would be fun! I know how to get there. I can just drive us in."
"Sure ka? Laguna pa yun ah? That's far kaya."
"It's okay. Text me the details. Thanks for the invite. I'll see you."
Dumating na ang linggo at maagang sinundo ni Edward si Maymay dahil malayo pa ang byahe nila. Inaantok pa si Maymay kaya naman natulog pa siya sa biyahe. Nagising din naman ito kalaunan.
"Hala. Pasensya na ha? Baka you have important things to do pala today?"
"No problem. None. I freed up. It's really nice to get out of the city from time to time, you know."
"Oo nga eh. Pero kung sana hindi pa mag-eexpire, hindi sana biglaan to."
"I'm sure you won't invite me if Marco's around - if that happens."
"Hala siyaaa!"
"Why? I know I'm your last resort. Deny pa."
"Huyy grabe ka! Masaya na yun wag mo na idamay dito. Hahaha Let's enjoy nalang!"
Nagpatuloy ang biyahe nila hanggang sa makarating na rin sila sa Enchanted Kingdom. Tuwang-tuwa si Maymay dahil first time niya makapunta dito. Kahit entrance palang ang nakikita niya, aliw na aliw na siya. Ganun din naman si Edward, aliw na aliw sa kanya.
"May. Remember my friendly tip?"
"Oo naman! 'Be yourself' ! Ikaw, alam na alam mo talaga eh! Hahaha Ganun na ba ako nakakahiyang kasama? Hahaha"
"No. Never. I just thought you could probably feel awkward again. I mean, it's just us two."
"Sa totoo lang naisip ko yan eh. Baka makita natin dito yung nililigawan mo tapos sabunutan ako bigla. Hahaha"
"That's impossible. Again, just be yourself. Do what you want. Be happy. I'll just be here."
"Hahaha naks! Thank you! I will."
"Ano, are you ready? Let's go na!"
"Aba syempre naman! Halika! Picture tayo dun oh!"
Hinawakan ni Maymay ang kamay ni Edward at hinila ito papunta sa gateway na parang entrance ng isang castle. Inilabas ni Maymay ang cellphone niya at nagpapicture siya kay Edward. Tuwang-tuwa naman si Edward sa mga posing ni Maymay na paiba-iba. Yun nga lang, naisip ni Edward na wala pa silang picture na magkasama.

BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanficSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕