Year 2017 (PRESENT) - Part II
Huling semester na nila Maymay sa kolehiyo at kasalukuyang nasa On-The-Job training na ito. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung bakasyon niya sa Palawan - ang pagkikita din nila ni Edward.
Sa huling pag-uusap nila, nabanggit ni Edward na gagawa ito ng paraan para magkita sila. Tatlong linggo na pero wala parin, umasa siya pero hindi pa rin sila nagkikita.
Nung nagkita kasi sila ng araw na yun, nakumpirma ni Maymay na may feelings parin talaga siya. Todo deny lang naman siya pero sa limang taong nakalipas, hindi naman siya umibig pa sa iba.
May mga pagkakataong inaamin niya sa sarili niya, na patay na patay pa rin siya kay Edward, pero may mga panahon din naman kasing grabe kung maka-deny. Sa madaling salita, nung nagkita sila, nabuhayan ang pag-asa niya, pero nalulungkot siya kasi nasa Pilipinas nga pero di naman sila nagkikita.
Panibagong araw nanaman at nagpunta na si Maymay sa airport dahil dun siya nag-oOJT para sa kurso niyang Tourism. Hiwalay naman sila ni Marco ng landas dahil sa ibang kompanya naman ito. Dahil dun, parang mas naging magaan kay Maymay ang mga bagay-bagay.
Nag-aassist si Maymay bilang frontliner sa counter ng customer service at maraming mga tao ang nakapila. Nagulat na lang siya na si Tanner na pala ang sumunod na kausap nito.
Sinadya ni Tanner na makipila kahit wala naman siyang kailangan - para lang hindi na ulit umiwas si Maymay sakanya. Naisip kasi ni Tanner na baka takbuhan nanaman siya ni Maymay sa hindi niya malamang dahilan.
Halos isang taon narin kasi ang nakalipas nung nagkita sila sa isang restaurant nung kasama niya si Marco. Wala namang nagawa si Maymay kundi pumayag sa dinner na alok nito dahil dumadami na ang nakapilang tao na kasunod nito.
Inantay siya ni Tanner na kahit kababalik lang din ng US at nagtyaga hanggang matapos ang shift nito para lang makausap siya. Nang natapos na siya sa trabaho ay dumeretso na sila sa naisip ni Tanner na kakainan nila.
Medyo naiilang parin si Maymay pero mukha namang malaki ang pinagbago ni Tanner kaya para lang siyang makikipag-usap sa bagong kakilala, na sanay naman siyang gawin. Maporma na ito, macho, maganda ang tindig, mukhang mas masayahin at mas lalong gumwapo.
--
"How are you, Marydale? It's been like five, six years already?""Oo nga! Uy I'm okay parin. Ahhhhm. You? What happened to you?"
"I studied back in US, just returned back for vacation just like last year. You owe me! Hahaha you run away!"
Gumaan naman ang pakiramdaman ni Maymay pagkatapos marinig ang tawa nito. Lalo na, pinaalala pa nito ang huli nilang pagkikita kung saan para siya noong dagang nakakita ng pusa.
"Hala sorry na! I felt awkward kasi I thought you and Marco are not okay pa. And us, too. I didn't wanna talk to you talaga kasi it's awkward pa that time. Hahaha sorry!"
"Why? Is it about the letter? You read it, right?"
Ang sulat na tinutukoy ni Tanner ay ang iniwan niya para kay Maymay bago ito lumipad pabalik ng America.
Nag-aayos noon si Maymay ng mga gamit niya sa bagong apartment niya malapit sa building ng condo ni Marco. Hindi niya alam na nadala niya pa pala ang mga love letters na binigay sakanya simula nung High school pa sila.
Hindi siya nagbubukas ng love letters maliban dun sa galing sa isang taong hindi naglagay ng dedication o kung kanino galing - yung nasa pink na envelope. At sa dami ng sulat, hindi niya alam na may nanggaling nga kay Tanner na iniwan nito bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕