Year 2017 (PRESENT) - Part III
Naglalakad-lakad lang si Maymay sa kalsada habang gabi na mula sa katatapos na dinner nila ni Tanner nang biglang may bumusinang magarang kotse sa kanya.
"Ay bushaaaaaaak! Nasa tamang daan naman ako ah? Buang! Bakit kaya 'to?"
Kinabahan siya ng huminto ang sasakyan at bumukas ang pintuan ng driver. Buong akala niya kasi susugurin siya nito, pero para siyang nagising sa panaginip nang malaman kung sino ito.
"Edward?"
"Hey Maymay. Finally! Been trying to reach out to you pero wala. Anyway, where are you going?"
"Ah naglalakad-lakad lang. Nagpapalipas oras. Oo nga. Naalala ko rin. Bakit?"
"May I join you? I'm actually finding something else to do. Nice that I saw you. Wala. Ano, Catch up?"
"Pwede naman. Sige, tara. Paano yang sasakyan mo?"
"I have an idea. Come inside."
Sobrang saya ni Maymay dahil kani-kanina lang ay iniisip niya si Edward, pero ngayon nasa harap na niya at mukhang may lakad pa sila. Ang tagal niyang inantay ang pagkakataong ito. Halos tatlong linggo. Sabihin na rin nating limang taon naman talaga.
Yun. Nabuhayan ang kaluluwa niya! Patay na patay parin siya kay Edward! Parang mas lumala pa nga dahil ngayon lang ulit sila nagkasama. Iba kasi talaga ang dating nang totoong presensya. Natupad na ang kanila lang na panaginip niya. At higit sa lahat, mas lalong tumindi ang pag-asa niya na sana pwede pa sila. Sinayang niya kasi noon kaya naman sana makabawi siya ngayon. Yun eh, kung gusto parin siya ni Edward. Hindi niya pa alam. At isa pa, baka nakatali na ito sa iba. Bahala na.
Pinagbuksan ni Edward ng pinto ng sasakyan si Maymay at pumasok na rin siya. Nag-umpisa narin silang nagkwentuhan.
"Are we good? You seem really tired from strolling. You're fidgeting too."
"Ay pinapawisan ba ako? Kaloka! Fidgeting? Di ah. Pero ha, I didn't know it was you. New car ha? Sosyal!"
Nagmadaling kumuha si Maymay ng tissue sa bag niya para punasan ang pawis niya. Natetense kasi siya, hindi dahil naglakad siya, kundi dahil ayan na, andyan na si Edward sa tabi niya. Ang lakas parin ng dating nito sakanya.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Maymay dahil nakatitig lang si Edward sa mukha niya siguro dahil sa pawis at namumula niyang mukha. Ginagawa niya ang lahat para maitago ang kilig na nararamdaman niya.
Parang walang araw na hindi sila nagkita dahil kung anong naramdaman ni Maymay kay Edward noon, buhay na buhay at ganun parin ngayon. Natagalan pa magrealize, eh sa pagkikita lang pala masosolve ang lahat. Mahal niya nga ito, kahit pa taon-taon na ang lumipas na panahon. Paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili niya. This is it. Promise totoo na talaga.
"Hey, let me fix this."
Lumapit bigla si Edward sakanya para ikabit ang seatbelt nito. Pakiramdaman ni Maymay ay nasa isang teleserye siya dahil sa eksena at sasabog na ang puso niya. Nakatitig pa si Edward sakanya habang ginagawa ito.
"Ay. Ah. Ano. Salamat."
"No worries. So let's just park the car sa central and get going. Shall we?"
"Osige."
Ilang segundo lang yun pero dama ni Maymay ang kabog ng puso niyang nagwawala na. Biglang tumahimik sa loob ng kotse kaya naman nagkaroon sila ng kanya-kanyang mundo. Mukhang pareho pa silang naninibago. O parehong kinikilig?
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕