SEVEN: Devilish Wish

480 13 0
                                    

CJ

"Malungkot ka noh?" Tinignan ko yung tao sa tabi ko na bigla nalang umupo ng walang paalam. Sino ba 'to?

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ko naman sya kilala.

"Ah. Malungkot ka nga." Napatingin akong bigla sa kanya.

Isa syang babaeng maikli yung buhok at aaminin ko, medyo may kagandahan sya kahit...tomboy ba 'to?

"Ano bang ginagawa mo dito? Nagmumukmok?" Hindi ko ulit sya pinansin. Pakialam ba nya kung nagpapahangin ako sa bench sa ilalim ng puno?

"Ay snobber sya oh!" Umiling sya ng ilang beses sakin na parang sobrang dissappointed nya.

"Oy, di mo talaga ko papansinin?" Bahala ka dyan. I won't give my time for a person that is talking such a nonsense things. Tsaka isa pa, hindi ba sya naniniwala sa katagang 'don't talk to strangers'? Hindi yata uso sa planeta nya yun.

"Ay sige. Kung ayaw mo, ako nalang magsasalita." Huminga muna sya ng malalim habang kahit hindi ko parin sya pinapansin.

"I'm Trice. Ayokong sabihin yung full name ko kasi mahaba lang yun tsaka ayokong malaman mo din. Sa totoo lang, ayoko talaga ng pangalan na 'to. Masyadong pa sosyal at pang maria clara kaya mas prefer ko na tawagin nila 'kong Ice. Diba, ang cool?" Napataas ang kilay ko sa kanya kahit alam kong hindi nya makikita yun.

"Isa din akong 2nd year high school dito sa school na 'to, obviously. Lower section ako kasi, obviously ulit, hindi ako matalino."

"Ayaw mo talagang magsalita? Sige, mag cconclude na ko. Basta tandaan mo na kahit ayaw mo sakin, ako yung babago sa buhay mo."

Pinalo ko yung ulo ko ng ilang beses dahil naalala ko nanaman yung sinabi nung babae kanina. Para kasing, totoo yung sinasabi nya at para ding niloloko nya ko? Ewan ko ba. Bakit ko ba iniisip 'to?

Nahagilap ng mata ko si Caitlyn at si Joshua na magkasama. Napatawa ako ng mapait dahil sa nakita ko.

Bakit pa kasi ako pumunta dito sa campus fair ng HU? Eh alam ko namang wala akong mapapala dito. Hindi rin naman ako sasaya dahil wala din akong kasama.

Mukhang masaya silang dalawa lalo na si Caitlyn. Hindi ko alam kung talagang galit parin ako sa kanya o hindi pero kasi, ayaw ko pa syang kausapin ngayon. Parang naging awkward bigla yung sitwasyon.

Nakita kong napatingin sya sakin kaya kaagad akong tumakbo pero may nakabangga akong babae at nagulat ako nung marealize ko kung sino sya.

"Hi, CJ." Masiglang bati nya sakin tsaka sya ngumiti. Ewan ko kung maganda ba yun o hindi.

-----

Julia

Nakatulala lang ako sa mga booths na nandito habang kumakain ako ng french fries. Ano nga ulit yung nangyari kanina?

Waaaah. Oo nga pala, aish.

"Oy, oy, oy! Sayang!" Nagulat ako nung bigla nalang hinawakan ni Zach yung kamay ko at nakita kong medyo marami din yung nahulog na fries na hawak ko.

Kumuha nalang ulit ako ng panibago at tsaka sinubo ko sa bibig ko.

"Okay ka lang?" Tumango ako sa kanya bilang pagsagot.

"Tss, sinungaling." Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Ano daw yun?

"Paano naman ako naging sinungaling?"

"Hindi ka naman kasi okay." Sabi nya habang kumakain.

"Psh." Tinuon ko nalang ulit yung tingin ko sa mga booths. Biglang pumasok sa isip ko yung kanina.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now