THIRTY ONE: Flight

212 17 7
                                    

Julia

"But, pwede mo ba 'kong ihatid sa airport?"

Ha? Ihatid?

"I'll pick you up. Bye." Then he hanged up.

What was that? Hindi ba siya nakakaramdam?

Siguro naman, alam niya na nalulungkot ako kasi aalis na siya, diba?

Tapos, papasamahin niya 'ko sa airport? Wow.

Hindi ako makagalaw. I don't know how to react. Kung matutuwa ba 'ko dahil magkikita kami at susunduin niya ko at ihahatid ko daw siya sa airport?

O, malulungkot dahil makikita ko  yung mismong pag-alis niya, at ngayong birthday ko pa talaga.

"Oh? How was it?" Na eexcite na tanong ni Hana nung makabalik ako sa loob.

"Hmm, nangangamusta lang." Sabi ko. Ayokong sabihin na aalis siya, baka mas malungkot pa 'ko lalo pag nalaman nila.

"Yun oh! Magkakabalikan na ba ulit?" Tanong ni CJ.

"Ikaw, kanina ka pa ah!" Sabay hinampas ko siya.

"Buti nakakatagal ka na kasama 'to, noh?" Tanong ko kay Trixcia.

"Oo nga eh, ang kulit kulit kasi!" Sabi ni Trixcia at inirapan si CJ. Buti nga.

Natawa naman si JP sa ginawa niya.

"Uhm, Julia. I'm sorry but I have to go, may emergency si Kara." Nagulat ako sa sinabi ni JP.

"Oh. Sige, sige. Hope that everything's okay. Update mo 'ko ah?" Sabi ko. Bigla naman akong kinabahan.

"Yeah. Happy birthday ulit, thank you sa food." Sabi niya at nagpaalam na.

Kaming lima nalang yung naiwan dito. At masasabi kong awkward parin dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ikaw, hindi ka pa ba hinahanap?" Tanong ni CJ kay Trixcia.

"Hinahanap..." malungkot niyang sabi.

"Sige na, Trixcia. Mukhang importante yan."

"Okay lang sayo?" Tanong niya na parang nag hhesitate pa.

"Yeah. Sobrang thankful na 'ko sa maikling oras na nandito ka." Then I smiled.

"Salamat Julia ah? Happy birthday ulit." At niyakap niya 'ko ng mahigpit.

"Sige, hatid ko muna 'to." Paalam namam ni CJ.

"Lakas ah, para namang may sasakyan ka." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ba pwedeng ihatid lang sa sakayan?" Reklamo niya.

"Sus. Sige na, ingat ka Trixcia ah."

"Sige, ganyan ka ate eh." Reklamo nanaman ni CJ, tinawanan ko nalang siya.

"Girlfriend?" Tanong ni Hana nung makaalis sila.

"Hmm, siguro?" Sabi ko. Eh hindi naman nila nililinaw sakin kung ano ng status nila eh.

Napatango nalang siya.


"Cait, are you okay?" Tanong ko kay Caitlyn dahil hanggang ngayon ay medyo nakayuko parin siya.

"Uhm, yeah. Okay lang." Then she smiled. Ang awkward talaga. Lalo na ngayon na kasama ni CJ si Trixcia.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now