CJ
Napakagat ako sa labi ko ng makita kong tumulo yung luha nya hanggang sa sunod sunod ng tumulo ito.
Ano bang gagawin ko dito?
"T-teka nga," inalalayan ko sya para tumayo pero naka steady parin sya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Alam mo, kung ano man yan, okay lang yan." Sabi ko sa kanya pero hindi parin nya pinapansin yun.
"Kaya tumayo ka na dyan." Hinawakan ko ulit sya pero this time, nag response na sya at tumayo na.
Pinagpag nya yung damit nya kahit wala namang dumi ito kahit nakayuko sya habang umiiyak parin. Buti nalang talaga, tahimik syang umiyak.
Para syang pipi pero ayos lang yun dahil kung hindi, baka nairita na ko sa kanya.
Ako na yung kumuha ng mga gamit na nalaglag kanina pati narin yung bag nya dahil hindi parin gumagalaw 'tong kasama ko.
Napailing nalang ako sa kanya at inalalayan syang muli sa paglalakad namin.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Ganun din yung mga nakakasabay namin.
"Aray ah," sabi ng isang matangkad na babae sa kanya.
Ako nalang ang humingi ng sorry dahil mukhang nabunggo ni Trixcia 'to. Sukat ba naman kasing yumuko habang parang sadako na naglalakad eh, malamang may makakabunggo talaga 'to.
"Ayusin mo nga 'yang sarili mo," sabi ko sa kanya pero hindi nya ulit pinansin yun. Parang pasan nya yata yung mundo eh.
Maya maya pa ay nakarating narin kami sa canteen nitong hospital. Hindi naman sya masyadong malaki kumpara sa iba pero, pwede na.
Nilapag ko muna lahat ng dala kong gamit sa table bago ko sya inalalayang umupo.
May amnesia ba 'tong isang 'to kaya nakalimutan na kung pano umupo?
Umupo narin ako sa kaharap nyang upuan. Hindi ko prefer na sa tabi nya kahit may space pa dun.
Gusto ko kasing makita yung mukha nya ng mas maayos. Kahit umiiyak parin sya.
Siguro, masyadong mahirap yung pinagdadaanan nya. Pero alam ko, na kakayanin nya yan.
Kahit hindi ko pa sya lubusang kilala dahil wala pang halos 1 week simula nung kausapin nya ko, alam ko na kakayanin nya yan.
Masayahin syang tao eh.
"Alam mo akala ko," napatingin ako sa kanya nung bigla syang nagsalita. Hinawi nya na pala yung buhok nya.
But she's still look like a mess.
"...kapag masaya ako, kaya ko ng ma overcome lahat ng circumstances sa buhay ko. Yung tipong, mag smile lang ako or magpatawa ng iba, akala ko matatakpan na nun at lahat ng problema ko."
Bigla akong naawa sa kanya. Tama nga yung mga naririnig ko,
Na karamihan sa mga taong masiyahin at laging nagpapangiti ng iba, sila pala yung mas malungkot at may mas pinagdadaanan.
"Pero wala eh, I have nothing to do with this 'cause I know, that it's God's plan for me."
Patuloy parin sa pagtulo yung mga luha sa mata nya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.
I wiped her tears. I can't stand seeing her like that.
Napangiti sya sa ginawa ko kaya napangiti din ako.
YOU ARE READING
The Next Stage (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) All she wants to do is to get even to his enemy, Zachary Lopez...but that was before. The time when her eyes opened, she can now see that there is a man who is willing to give her love that she deserves after a heartbreak a few y...