ELEVEN: Truth

386 8 1
                                    

Julia


"Kamusta na kaya sila dun?" Tanong ni Hana samin habang kumakain, ulit.



"Sigurado naman ako na hindi sila nagpapatayan dun." sabi ko sa kanila habang kumakain din ako ng prutas na dala ni CJ pagdating niya kanina.



Teka, saan kaya nabili ni CJ 'to? Eh alam ko ay hindi naman bumibili ng mga ganto 'to. Mas lalo naman ang pumunta sa palengke or sa market.



Aish. Bakit ko ba biglang naisip 'tong mga 'to?


Pero kasi, nakakapagtaka eh. Sya kasi yung tipo ng tao na hindi mo mapapabili ng iuulam nyo sa araw araw.

"ARRRRGH!" Napatingin ako kay Caitlyn na bigla bigla nalang sumisigaw. Problema nito?

"Are you crazy? Masyado mo kong ginulat!" Napatingin ako kay Hana bago ako napangisi ng makita kong nagkalat yung mga balat ng orange sa sahig. Dahil siguro sa pagsigaw ni Caitlyn ng di oras.


"Oo nga. Why are you suddenly freaking out just like that?"


"Kasi naman eh. Nakakainis 'tong sarili ko dahil kahit may boyfriend na 'ko, may mahal parin akong iba. Hindi ba kataksilan yun?" Sabi nya na parang maiiyak na.


Ang hirap naman kasi talaga ng sitwasyon nya. Pero kung ako sa kanya, piliin nya yung taong mas mahal nya.


"Sinong tanga?" Sinamaan lang ng tinngin ni Caitlyn si Hana dahil sa sinabi nito.

May point din naman kasi sya.

"Aish!" Tumayo sya ng galit na galit to the point na naibaligtad nya yung upuang inuupuan nya kanina. Napailing nalang ako dahil sa ginawa nya.


"Pero guys..." napahinto sya saglit para kumalma, para kasing ang layo ng tinakbo nya dahil sa itsura nya ngayon, hingal na hingal sya.

Napataas ako ng kilay ko bago sya muling nagsalita. "Sino yung sa tingin nyong...tama para sakin?"

Napaisip akong bigla. Dati ko pa 'to tinatatanong sa utak ko pero hindi ko masagot sagot.

At dati nya parin 'to tinatanong pero sa tingin ko ay kagaya ko rin sya, hindi nya masagot ang tanong na 'to hanggang ngayon.

Lagi kong sinasabi sa kanya na 'piliin mo kung sino yung tama', 'piliin mo yung sa tingin mong nagpapasaya sayo', at marami pang iba.


Nanatili kaming tahimik na tatlo. Tanging yung tunog lang ng aircon yung naririnig ko.

"Bat mo tinatanong samin yan? Ikaw yung nagmamahal sa dalawang tao na yan kaya ikaw lang din ang makakasagot nyan."

Magkarhyme talaga?

Pero tama sya. Puso nya yan at feelings nya yan.

Narinig kong napabugtong hininga sya at sabay napatingin sakin.

"Diba sabi mo sakin dati, na 'wag kong sasaktan si CJ?" Napatango nalang ako sa kanya.

"Okay lang sayo na nasaktan ko sya at patuloy na sinasaktan?" Napatango ulit ako sa kanya.

"Hayaan mo sya. Ginusto nya naman yan eh. Tsaka confident ako na kaya nya yan." Sya naman ang napatango this time.

Pero tingin ko, hindi nya talaga kaya. Nagawa nya ngang mag skip ng class dahil kay Caitlyn eh.

Magiging honor student pa kaya sya nyan kung mas inuuna nya yung magpakalugmok ng dahil lang sa nasaktan sya?

"Hays. Bakit ko ba biglang prinoblema 'to? Eh may boyfriend na 'ko diba? Malamang sya yung pipiliin ko."

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now