FORTY THREE: For You

107 7 4
                                    

Julia

I opened my eyes when I felt the sun rays, giving disturbance to my sleep.

I ended up not eating dinner last night. I feel sorry for mama.

Nawalan narin kasi ako ng gana kumain.

And I chose to ignore that text. Sobrang pagod na kasi ako, and I don't want to explain myself dahil kahit anong gawin ko, wala namang pumapasok sa utak niya.

What is he up to? Hobby na ba talaga niyang guluhin ang buhay ko?

Well, sorry for him. My life's already a mess. It is a mess that I should fix.

Naabutan ko sa baba si CJ na kumakain mag-isa. And he looks really alone.

"Hey," bati ko sa kaniya. I seated in a vacant chair in front of him.

He looked up to me after a few seconds dahil kahit umaga palang, parang lutang na siya.

"Bakit?" He asked with his questionable face.

I made a face. "Bakit ka rin? Masama bang bumati? Ang aga-aga..." I stood up and got myself a plate and utensils.  

Sa airport pa yung huling kain ko. At hindi rin siya nakakabusog. Potato chips lang 'yun.

"Mukha kasing may kailangan ka." Sabi niya. Inirapan ko siya.

"Mukha kasing may problema ka." I said, rephrasing his statement.

"Kasi naman eh..." reklamo niya. Nako. May problema nga.

"Break na kayo ni Trixcia?" Pabirong tanong ko while my mouth's still full.

"Huwag mo 'kong itulad sainyo." Napatigil ako. As in tigil talaga.

Wow. Ang aga-aga, CJ.

Tinignan ko siya. I took a deep breath. Gusto kong magsalita but I can't compose any right words.

"Nakalimutan mo na ba? Ang arte mo kasi, nakipaghiwalay ka pa tapos ikaw rin yung malulungkot. Tapos nagkabalikan naman kayo ulit. Gulo niyo talaga." Napakamot siya sa ulo niya.

I clenched my jaw. Isa pa talaga, bullseye ka na sakin.

"Buti kung magkakabalikan pa ulit..." mahinang sabi ko. I snapped. What am I even saying?

"Ha?" Tanong niya. He seemed confused. Narinig niya kaya?

"A-ah? Hindi. Sabi ko, buti nalang nagkabalikan nga kami ulit. Kasi, I admit, na talagang pinagsisihan ko 'yun." I'm not ready to tell the truth yet.

Alam kong hindi ko 'yun matatakasan. Pero hindi pa talaga 'ko handa. Fresh parin sa utak ko yung nangyari.

"Sana kasi, hindi mo nalang ginawa. It's okay for you to be mad pero hindi okay na i-let go mo kung ayaw mong mawala." Yeah. Ang daming sense ng sinabi niya.

But letting go is the only choice that he has.

"Oo na. Tama na nga, it's all in the past. What important is, the lesson that you've learned in the present, that will be your guide in the future." Napatango siya at pumalakpak ng sobrang lakas. Kainis.

"Pero by the way? Nasaan yung lalaking 'yun? Bakit hindi mo siya kasabay pauwi?" Oh snap. Hindi talaga magtatagal, they'll ask more of him.

"Tsaka akala ko two months kayo doon? Wala pa ata kayong isang buwan eh." Sige pa, CJ. Pahirapan mo pa 'ko lalo.

I can't think of any reasonable excuse kaya kung ano yung maisip ko, 'yun nalang.

"He's still in Hongkong. And, umuwi ako kasi walang kasama si Caitlyn pauwi unlike before na kasama niyo siya." Stupid. That's the most lamest excuse na nasabi ko.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now