SIX: Fourth Kiss?

532 16 0
                                    

Zach

"Charisse ano ba?!" Sumama bigla ang pakiramdam ko dahil sa babaeng 'to. Kailangan ko na syang pigilan ngayon palang habang hindi pa nya nasasabi.

Oo. Natatakot akong malaman ni Julia na si Charisse ang balak ipa-arranged marriage sakin ni papa. Ewan ko, duwag naman na kasi ako matagal na.

At higit sa lahat, kaya ko nililihim sa kanya 'to ay dahil ayaw ko syang masaktan. Wala pa kaming one week tapos malalaman na nya?

Not today. Ayokong mangyari ang lahat ng 'to ngayon, patatagalin ko muna 'to.

"What? Ano bang ginagawa ko?" Inosente nyang tanong. Wow, napakagaling mo talaga Charisse. Ang galing mong manggulo.

"Ano ba? If you're going to break our relationship, PLEASE...wag mong gawin." Sabi naman ni Julia. Matagal na kong nagtataka kung anong kasalanan ko at lalo ni Julia kung bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to.

"Huh? Ako, sumisira? Kung may sisira man sainyo, hindi ako yun. Tanong mo nalang yung boyfriend mo baka sakaling alam nya." Ngumiti sya ng mapait sakin at lumabas na ng booth.

Narinig ko ang pag bulong bulungan ng mga tao dito. Bakit pa kasi sila nanonood?

Narinig ko ang paghinga ni Julia ng malalim at tumingin sakin habang nakangiti.

"Can we please continue this?" Sabi nya sa nag aact na nagsasalita para sa ceremony.

Parang wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari samantalang ako, iniisip ko na paano kapag nalaman nga
niya?

Ngumiti ako ng malapad para tuluyan ko ng makalimutan ang masamang iniisip ko. I must seize this very special moment for the both of us.

"Say your vows to each other now." Nagtilian naman yung mga taong nanonood kaya napangiti kaming dalawa.

Sinenyasan ako ni Julia na ako na ang mauna. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nagsalita.

"Hi Julia Faye," panimula ko na syang ikinangiti nya ng malapad.

"Alam ko at alam mo din na marami na din akong nasabi sayo simula nung naramdaman ko na mahal na kita." Hinawakan ko yung kamay nya.

"Pero may gusto lang akong ipaalam sayo. Gusto kong malaman mo na itong mga kamay na 'to, hindi ko yan bibitawan kahit maraming humahadlang." Natawa sya sa sinabi ko.

"I want this four hands to stick fourever." Napakagat sya sa kanyang labi which I found attractive.

Possesive na kung possesive pero gusto ko na saakin nya lang gawin yan.

"Always remember that I will never let go of this beautiful hands of yours. No matter what happens, nothing will break us apart." Niyakap ko sya kasabay ng pagreact ng mga tao.

"I guess this is my turn now?" Tumango ako sa kanya.

Tinignan nya ko directly sa mata ko na alam kong punong puno ng kasiyahan.

"Kung ikaw kamay, ako naman, mata."

"Gusto ko, na saakin lang titingin ng ganyan yang mga mata na yan. At pinapangako ko, na ganun din ako sayo. Hindi ako tititingin sa iba."

"Sana, hindi ko makita yung mga mata mo na malungkot, nagagalit. Gusto ko palagi yang manipis dahil sa sobrang kasiyahan. I want to make your eyes happy everytime that I see you." She pouted at me at nagulat nalang ako ng humagulgol sya ng iyak.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now