EIGHT: Injury

476 10 1
                                    

Julia

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko pero biglang sumakit yung ulo ko dahil sa simpleng pagdilat ng mga mata ko.

Dumilat ulit ako para makita kung nasaan ako. Para kasing napakahaba ng tulog ko dahil wala akong maalala.

"G-gising ka na?" Napatingin ako sa direksyon ni Zach na ngayon ay naghihiwa ng apple. Nandito rin si Caitlyn at Joshua.

Hindi ako nakapagsalita agad. Naalala ko kasi yung dating pangyayari na nagdala sakin sa ospital. At dahil kay Zach yun. Ipakulong ba naman kasi ako. Tss.

Teka, sino naman ngayon yung dahilan?

"Hala. Wala syang maalala." Binatukan ni Caitlyn si Joshua dahil sa sinabi nya. Hindi ko rin kasi alam kung bakit hindi ako nagsasalita.

"Julia?" Umupo si Zach sa isang side ng kama na hinihigaan ko habang may hawak na bowl na puno ng apple.

Tumingin ako sa kanya na parang gusto kong iparating sa kanya gamit ang tingin ko kung ano ba ang lahat  mga nangyari.

"Uhm...y-yung tuhod m-mo." Yumuko sya matapos nyang sabihin yun. Bakit, may problema ba?

Napatingin ako sa tuhod ko sa may kaliwang bahagi na may cast.

Bigla akong tumayo kaya napasigaw ako dahil masakit pala.

Talaga nga namang masakit pag binigla mong gawin ang isang bagay.

Err--- ano ba yun!

"Please be calm, okay?" Hinawakan ni Caitlyn yung kamay ko matapos nyang sabihin yun. Ngumiti ako sa kanya pero...pilit lang.

Ewan ko. Hindi ko yata kayang maging masaya ngayon. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko.

Paano nangyari 'to?

May biglang pumasok na nurse na babae na mukhang bata pa.

"Hi ma'am. This is nurse Xia Marciano and I'm going to inform you po kung anong nangyari sainyo." I rolled my eyes dahil ang dami nya pang words bago sabihin kung anong nangyari sakin. Psh.

"Uhm, meron po kayong Anterior Cruciate Ligament or ACL." Ngumiti sya sakin na parang isang good news yung sinabi nya.

"Ano naman yun?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Ewan ko ba, para kasing nang aasar 'tong nurse na 'to.

"Isa po itong injury sa ligaments and sa tendons. Nangyayari po itong common injury na 'to dahil sa sudden twisting motion that happened to you earlier."

Napatulala ako sa pintuan dahil iniisip ko kung bakit 'to nangyari.

"What's the treatment?" Tanong ko sa kanya.

"Actually ma'am, you've already been treated. And yung ginawa po sainyo kanina is knee replacement. Kailangan nyo pong magpagaling for about 3 months. Sa ngayon, magsasaklay po muna kayo."

"What?! Seriously? Ganun kalala yun?" Aba. Grabe naman 'tong nangyari sakin. At wala pa akong kamalay malay na pinalitan na pala yung tuhod ko.

Natahimik kami ng ilang minuto bago sya muling nagsalita ulit.

"Do you have any questions pa po?" Umiling ako sa kanya kaya naglakad na sya papalayo at lumabas na ng room.

Nararamdaman kong namumuo na yung mga luha sa mata ko kaya kaagad na lumapit sakin si Zach at hinawakan yung kamay ko.

"Everything's gonna be okay. Just trust God and definitely trust yourself that you can do it, okay?" I nodded at him bago ako ngumiti sa kanya.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now