TWELVE: Tears

369 3 1
                                    

Julia

Hindi parin sya nagsasalita hanggang ngayon. Hah, ang duwag nya. Sobra.

Napatingin ako sa kanya habang nakangiti ako. Habang sya, hindi ko alam kung anong klaseng tingin ba yung binibigay nya sakin.

"You know? Let's just forget about this, wala namang patutunguhan 'to eh." Sabi ni Caitlyn habang nakahawak sa noo nya.

Napatingin lang ako sa kanya ng mga ilang segundo bago tumingin ulit kay Joshua.

"Ano, wala ka talagang balak sabihin?" Napailing nalang ako dahil sa inaasal nya. Tss.

"Just shut up, okay?! Bakit mo paaminin ang isang taong wala namang ginagawang kasalanan?" Reklamo ni Caitlyn. Umiiyak na sya ngayon.

And that face of her makes me want to burst on crying.

Bakit ganun? Imbis maging masaya ako kasi finally, mapapaamin ko narin si Joshua para malaman na ni Caitlyn ang lahat pero bakit...

Nasasaktan ako? At unti unti akong nagkakaroon ng awa?

"Ano bang gusto mong gawin, ha? Ang paghiwalayin kami para maging masaya yung kapatid mo?"

"Kasi kahit anong gawin mo, may masasaktan at may masasaktan parin."

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi nya.

Naguguluhan na ako ngayon sa mga nangyayari.

Kanina, tinatanong nya kung sino sa tingin nya yung mas better sa kanya. Sinabi ko na na si CJ yun pero tinanong nya kung bakit.

Tapos, nung sinabi ko kung bakit, nagalit na sya sakin bigla. Bakit ganun?

Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Caitlyn, hindi ko 'to sinasabi para mapaghiwalay kayo. Kasi desisyon nyo naman yan eh. Kung gusto nyong maghiwalay, edi maghiwalay kayo. Kung ayaw nyo, choice nyo yun."

"Sinasabi ko 'to dahil gusto kong ayusin kayo. Kasi sa tingin nyo, masaya kayo tuwing magkasama kayo pero ang totoo, lagi kayong na bbother dahil sa mga sikretong tinatago nyo."

"Gusto ko kayong magkaroon ng relasyon na totoong masaya kayo. Gusto ko lang klaruhin lahat."

Hindi sila umiimik sa sinabi ko.

"Kaya please, talk to each other? Hindi yung ganyan."

Kung pwede lang umalis dito sa kwarto na 'to ay matagal ko ng nagawa eh. Gusto ko kasing mag usap sila.

Pero syempre, sila dapat yung mag a-adjust.

Bigla nalang tumayo si Caitlyn habang tahimik na umiiyak. Naglakad sya ng mabilis papunta sa pintuan para makalabas sya. Nabangga nya pa nga si Joshua dahil hindi nya tinitignan yung dinadaanan nya.

Napatingin ako kay Joshua na hanggang ngayon ay tulala parin sakin. Parang hindi pa nag s-sink in sa kanya lahat ng sinabi ko.

"Ano, tutunganga ka lang dyan? Hindi ka parin ba nakamove on sa pag p-pressure ko sayo kanina?"

"Well, I'm sorry for that if I sounded arrogant to the both of you. Kasi ginagawa ko lang yung sa tingin kong tama na mali ka."

Ngumiti sya ng mapait sakin bago sya napabugtong hininga.

"Thank you." Simpleng sabi nya bago sya umalis dito.

Ngayon ko nalang ulit narealize kung bakit nagkakaroon ng ganitong misunderstanding.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now