TWENTY SIX: Complicated

202 10 2
                                    

Julia


"Miss, okay ka lang ba?" Bigla akong natauhan nung tinanong ako nung isang staff, I nodded at kaagad naglakad papalabas ng fastfood chain na 'to.


Nasaan ba kasi si Zach? I've searched my eyes all over this place but I can't still see him.


Ang ganda rin ng timing na wala si Zach ngayon kasi dumating yung walang kwenta kong ex boyfriend, at nahihirapan ako maglakad ngayon. Nice timing.



"Ate?" I turned around to see who is the person who called me.


"Oh? Kayo pala." I saw CJ and Trixcia walking towards me. Nag ddate ba sila?



Napatingin ako sa kamay nila na magkaholding hands ngayon kaya tinaasan ko sila ng kilay.


"Ceej," narinig kong bulong ni Trixcia kaya tinanggal bigla ni CJ yung kamay niya at bigla naman siyang namula.


"B-bakit ka nga pala nandito? W-wala kang kasama?"


Napatigil ako saglit. Nasaan nga ba yung kasama ko?


"Uhhh....kayo ang bakit nandito? Are you dating?" Tanong ko kaya nanlaki yung mga mata nila. Wow, hindi naman kayo masyadong obvious niyan.


"Uhh, n-nagpapasama lang si Trix sakin bumili ng groceries." Sabi ni CJ then I saw Trixcia nod habang iniiwas yung tingin niya sakin.



"Fine, then I'll go with the both of you. Is it okay?" Tanong ko habang nakatingin kay Trixcia, she looks so shy at the moment.


Parang nakalimutan ko tuloy yung nangyari kanina because of her.


Shocks, naalala ko nanaman.



"Uhm, ok---"


"Ahm ate, kasi...ano eh." Pagpuputol niya sa sinasabi ni Trixcia.



"So...bawal? Pag ate mo hindi pwede pero pag siya, pwede?" Pagtatanong ko sa kanya. To make him realize na dapat isama niya ko, to make myself better again.


Nakakapagod kasing makipagtalo.


"Pwede naman, kaso...baka may date rin kasi kayo ni Zach ngayon kaya ka nandito."



Date? Date nga ba 'tong matatawag kung mag-isa lang ako?



"Of course not!" Pagtatanggi ko kaya binigyan nila ako ng confused look.


"I mean, i'm all alone...busy si Zach." I said then I smiled. Having the thought of Zach makes me worried, feeling ko kasi, may hindi magandang mangyayari.


"Pero...I've changed my mind, uuwi nalang ako. Bigla kong naalala na bawal pala akong mag gala and maglakad-lakad ng matagal." I said. Pero mas lalo lang silang na confused.


"A-are you sure? Paano ka uuwi?" I only smiled because of the thought na kahit may Trixcia na yung kapatid ko eh concerned parin sakin.



"It's okay. I'll just hail a cab para mas comfortable ako." I said, to assure them na okay lang ako.


"Edi, hatid ka nalang namin sa sakayan."


"Ang kulit mo naman, okay nga lang eh." Sabi ko kaya napakamot nalang si CJ sa ulo niya.


"Sige na nga, ingat ka ah." Tumango nalang ako sakanya.


The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now