THIRTY SIX: Blue Moon

187 16 10
                                    

Julia

'I love you, Zachary. Mag-ingat ka sa Hongkong'

I took a deep breath. Then I smiled.


I won't ruin this night.



And I have to trust him. Trust lang, Julia. Don't jump into conclusions again.


"Here's your phone." Then I handed him his phone but I end up putting it into the dashboard since tinignan niya lang 'yun dahil nag ddrive siya.


"Are you okay? Sorry, may bigla kasing dumaan." Sabi niya.


I nodded. "Okay lang, naka seatbelt naman ako." Sabi ko. Sige, just pretend that you're okay.



Napatigil si Zach. Nag red kasi yung stoplight. Napahinga ako ng malalim. Gaano kaya kami katagal dito sa kotse? I suddenly feel suffocated.


Hindi rin matanggal sa isip ko yung message na 'yun. Na, kanino pa ba manggagaling? It's her again.


I know that I should trust him. Baka tinitext lang siya nung babaeng 'yun pero hindi nirereply-an ni Zach.


Pero wala eh, masyado akong ginugulo ng text message na 'yun kahit alam ko na kailangan ko siyang pagkatiwalaan. 


I didn't bother asking him that text message because I don't want to ruin this night. I can't ruin this night. Tsaka nalang after ng gabing 'to.


"We're here." Sabi niya at ipinark niya yung kotse sa parking lot ng parang hotel din, base sa pagkakatingin ko.



Tinanggal ko na yung seatbelt ko then I smiled. Just enjoy your moment together. Just enjoy this night, Julia.


Zach held my hand so I looked at him. He doesn't seem tensed or what. Hindi siya mukhang may isang bagay na nililihim sakin. He looks chill.

Pero ako? Kanina pa 'ko nag-aalala. Ng dahil sa isang text message lang. 


Naglakad na kami ni Zach papunta sa entrance ng mapatigil ako dahil sa nakita ko.


Blue Moon Restaurant.


No way. No freaking way.


"Hey. Problem?" He asked. Hindi ako sumagot sa kanya.


Bakit sa lahat ng kakainan namin, dito pa? And I didn't know na kahit saan pala 'ko magpunta, hindi ko siya matatakasan.


*flashback*


"Para po, manong!" Sabi niya at bumaba na kami ng jeep na sinasakyan namin.


Isa lang ang masasabi ko, wow.


"You like it?" Tanong niya. Napatango ako at napangiti ng sobra. Grabe, I didn't know na sa ganitong klaseng lugar niya 'ko dadalhin.

Blue Moon Restaurant. Yan yung nakalagay sa signage. And ang fancy ng itsura ng loob, mukhang pang mga elite na tao.

Napatawa siya. "Sabi ko na eh. Tara na?" Sabi niya at hinatak ako papunta sa loob.

"Good evening Mr. Gonzales. A table for two po?" Tanong nung waiter.


"Yes, please. A table for the two of us." Sabi niya at nilead nalang kami ng waiter papunta sa table namin.


May nakalagay na 'reserved' sa table kaya tingin ko ay pinaghandaan niya ng sobra 'to.


The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now