FOURTEEN: Emoji

308 7 1
                                    

CJ

"Pumasok na kaya tayo, noh?" Tulala parin kasi sya hanggang ngayon. Parang nakalimutan nanaman nyang magsalita.

"Eh." Nakwento na sakin ni Trixcia kung ano yung sinasabi nyang yun.

First time nya bang makakita nun?

"Baka ano eh..." hindi nya naituloy yung sinasabi nya dahil napasabunot syang bigla sa buhok nya.

Big deal na ba yun para sa kanya?

"Tara na. Baka mamaya, kailangan ka na nung patient mo." Kung pwede nga lang na maiwan na 'to, kanina ko pa ginawa eh.

Pero hindi ko sya maiwan dito dahil baka mamaya, tutunganga nalang sya dyan habangbuhay.

"Aish! Bahala na nga." Mabilis syang naglakad papunta sa pintuan. Pero ngayon, kumatok na sya ng tatlong beses. Baka kasi may makita nanaman 'to eh.

Dahan dahan syang pumasok habang ako, nasa labas parin. Baka kasi mahawa pa 'ko sa sakit nung pasyente nya. Tsaka, baka makaabala pa 'ko sa gagawin nya.

"Uy, pasok ka." Bulong nya sakin nung makita nya akong nasa labas lang.

Unti unting nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino yung nakahiga sa hospital bed.

Walang nagsasalita samin. Papalit palit lang yung tingin ko sa kanya at sa boyfriend nya.

Sumbong ko 'to kay mama eh.

"Hi Ms. Montenegro..." bati nya kay ate tsaka sya lumapit para i check sya.

Hindi umiimik si ate. Nakatitig parin sya sakin at parang may sinesenyas sakin pero hindi ko na gets yun.

"Uhm, nainom mo na ba yung medicines mo?" Tumango lang ito sa tanong ni Trixcia.

"Kailan ba sya makakalabas?" Biglang tanong ni Zach.

"Unfortunately sir, medyo matatagalan pa po yung recovery nya. Siguro, 3 days pa po." Tumango lang din sa kanya si Zach.

"3 days?! Bakit sobrang tagal naman?" Galit na tanong ni ate. Siguro, gustong gusto na nyang makalabas.

"Matagal po talaga bago ka po makarecover." Sabi nya habang may sinusulat sa papers na hawak nya.

"Oy," wow ah, ganyan na ba magbatian ngayon?

"Girlfriend mo ba 'to?" Tanong sakin ni ate. Wow ulit ha. Anong klase ba namang tanong yun?

"Hindi ah!" Depensa ko.

"Eh bakit magkasama kayo?" Tinignan ko muna si Trixcia bago ako sumagot. Mukhang hindi naman nya kami napapansin kaya nagsalita na 'ko,

"Masama ba?" Tanong ko pero mukhang hindi sya convinced sa tanong at sagot ko.

"Uhm, magkakilala kayo?" Tanong ni Trixcia at unti unting lumapit sakin.

Umiling ako sa kanya at nakita ko rin si ate na umiling.

"Ah, hindi nga. Kaya pala nag-uusap kayo." Sarkastiko nyang sabi habang nag ti-three 60 yung mata nya.

"Tss." Reaction ko. Obvious naman kasi, diba?

"Magkaano-ano kayo?" Dagdag nya.

"Ayoko mang tanggapin pero...magkapatid kami." Sinamaan ko ng tingin si ate. Kahit kailan talaga 'to.

"Ahh okay---teka! M-magkapatid kayo?!" Sigaw nya. Grabe, hindi ko alam kung hanggang saan rinig yun dahil sa lakas.

"So..." tumingin si Trixcia sakin at parang may sinesenyas. Na gets ko naman agad sya kaya napatango nalang ako.

The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now