TEN: True Feelings

379 5 0
                                    

Julia

"Man to man talk?" nagkatinginan kami ni Hana matapos naming sabay na itanong yun.

Tumango lang sya saming dalawa.

"Ba't hindi ka sumama?" Napakunot ang noo ko kay Hana ng tanungin nya yun. Psh.

"Obviously, Hana." Mariin na sabi ko sa kanya. Tahimik lang na nakaupo si Caitlyn sa right side ko.

Nagpamewang pa si Hana bago sya muling nagsalita. "That's not what I mean, guys. My question is, bakit mo sila hinayaan na dalawa dun? Eh diba dapat, kasama ka? You're part of this mess."

"May point si Hana, Caitlyn. Baka nagsasapakan na yun dun."

Napabugtong hininga nalang si Caitlyn sa sinabi namin. "You know guys, hindi ko na sila kaya. Masyado silang immature. My point is, can't they just forget all the memories in the past? Kasi past na yun, diba?!"

Napaangat nanaman ang ulo ni Zach dahil kay Caitlyn kaya sinamaan nya ito ng tingin.

"Alam nyo, don't stress yourselves too much. Ako nalang kakausap sa kanila." Wow naman. Kakausapin nya talaga sila? Seryoso ba sya dun?


"Sigurado ka? Baka masapak mo nanaman ulit yung kapatid ko ah."


"Did I say na sasapakin ko sya?" Napairap nalang ako sa kanya.


"Thank you, Zach. Mabuti pa nga at ikaw na ang kumausap sa mga yun. Nakakastress eh." Tumayo si Caitlyn para kumuha ng tubig sa dispenser.


"Julia." Lumingon ako kay Zach na nakatingin sakin ngayon.

"Go ahead." He smiled at me kaya napasmile narin ako.

Tumayo na sya kaagad at binuksan ang pintuan para makaalis na.


"Alam nyo, akala ko talaga, okay na ang lahat. Pero hindi parin pala talaga eh." Napahawak nalang si Caitlyn sa ulo nya dahil sa frustrate nya.


"Alam mo kasi Caitlyn, masyado talagang nasaktan yung kapatid ko. Kinausap ko na nga sya tungkol dito and I thought, okay na ang lahat sa kanya pero hindi pa." Sabi ko naman.

"Alam mo Caitlyn, it's Joshua's fault din eh. Bakit pa sya magagalit kay CJ kung alam naman na nyang nasa iyo na sya? Diba?" Napatango kami sa sinabi ni Hana.

"Kasi nga, feeling nya, may gusto parin yung kapatid ko sa kanya. And, tama naman sya dun." Biglang napatingin sakin si Caitlyn na parang nagulat pa sya.

"Bakit? Hindi mo ba alam? He's still into you, Caitlyn." Dagdag ko pa.


"Oo, alam ko naman yun eh. Hindi naman kasi talagang madaling mawala ang pagmamahal mo sa isang tao."

"So...mahal mo parin si CJ?" Napairap ako sa tinanong ni Hana.

Bakit naman nya mamahalin pa si CJ eh may boyfriend na sya. Ibig sabihin ba nun, hindi sya loyal kay Joshua?


"Hana, past na yun. Hindi na nya mahal---"

"Oo." Nagkatinginan kami ng dahil sa sinabi ni Caitlyn.

"Mahal ko parin sya."

-----

CJ

Tahimik lang kami na nakaupo dito ng lalaking 'to.


Kahit magkaharap kami ay hindi kami nagkakatinginan at walang gustong magsalita saamin.


The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now