Julia
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm ko.
Kinapa ko yung phone ko pero wala akong nahawakan kaya dinilat ko nalang yung mata ko.
Everything is white. Everything seems so familiar.
Inikot ko yung paningin ko at nahagip nito ang napakaraming lobo na nasa upuan. May dalawang box din ng cake sa may side table at may three white roses naman sa kabilang side.
Teka, ano bang nangyayari? Nasaan ba 'ko?
Inisip ko yung mga nangyari at napasapo ako sa ulo ko ng maalala ko yun.
I wanted to ask for help, pero wala akong maramdaman. That moment was the worst thing that ever happened to me, at ayoko ng maulit pa.
Pero teka, bakit 'yun lang yung naaalala ko? Wala na bang nangyari, before nun?
"Miss Julia!" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang isang babaeng nurse na mukhang malapit ng umiyak.
Bakit? Ilang taon ba 'kong natulog?
Niyakap niya ako ng mahigpit kaagad niyang tinanong kung okay lang ako.
Bakit siya affected sa nangyari sakin? Kilala niya ba 'ko?
"K-kilala niyo po ba 'ko?" Tanong nung nurse. I shook my head, at mukhang nanghina siya.
Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan.
"A-ako po si T-Trixcia, kaibigan ako ni CJ." Oh. Speaking of CJ, nasaan sila ni mama?
"Ah okay. Eh nasaan daw siya?"
"H-hindi ko lang po sure." Nauutal nanaman na sabi niya. Napayuko siya bigla. Ano bang problema nito?
"H-hindi niyo po ba t-tatanungin kung a-anong nangyari sainyo?" Tanong niya. I was about to ask her, pero baka mabigla ako sa malalaman ko.
"I have a question," sabi ko. Mukha namang nakikinig siya at parang kinakabahan rin, gaya ko.
"Bakit wala akong maalala?"
"U-uhm, ganito po 'yon...wag po sana kayong mabibigla." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
May sakit ba 'ko?
"Nagkaroon po kayo ng temporary amnesia due to oxygen deprivation o pagkawala ng oxygen. Nalunod po kayo, mabuti nalang, may nagligtas sainyo."
"T-teka, paano naging connected yung dalawang 'yun?" Tanong ko. Pero mas curious ako sa kung sino yung nagligtas sakin.
I should be thankful to that person.
"Kasi po, pag nawalan po kayo ng oxygen dahil nalulunod kayo, madadamay yung brain niyo kasi kailangan nito ng oxygen. Usually, nagkakaroon lang nito yung mga bata na nalulunod, for about five minutes only. Hindi lang po temporary amnesia yung results, kundi pwedeng mag seizure, magkaroon ng learning disabilities o kaya ay paralysis." Bigla akong kinabahan. Blessed parin ako dahil ito lang yung nangyari sakin.
Pero, makakaalala pa kaya ako?
"If curious po kayo kung may chance na makaalala kayo, or kailan...yes po, makakalala kayo but, hindi ko po alam kung kailan."
"And also, there are few things na naaalala mo ngayon like your family. Pero yung mga recent lang na nangyari sayo, it's impossible. Kagaya ko, hindi mo na 'ko maalala kasi nakilala mo po ako sa hospital din, kung saan nagkaroon ng fracture yung knees mo a few months ago."
YOU ARE READING
The Next Stage (COMPLETED)
Fanfic(GabRu Fanfiction) All she wants to do is to get even to his enemy, Zachary Lopez...but that was before. The time when her eyes opened, she can now see that there is a man who is willing to give her love that she deserves after a heartbreak a few y...