NINE: Commotion

403 9 1
                                    

Chapter 9: Commotion

~

CJ

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nung narinig kong may tumatawag sakin. Sino kaya 'to?




Nang makuha ko na ang cellphone ko ay namatay ang tawag. Great timing.



20 missed calls.



At lahat yun galing kay ate? Bakit? Hindi pa ba sya umuuwi ng bahay?



Teka nga lang, pati si mama pala wala. Tumayo ako para puntahan yung mga kwarto nila pero wala akong nakita ni isa sa kanila. Nasaan kaya yung mga yun?



Mag aala-sais ng gabi na kasi ako nakarating sa bahay galing sa school. Oo, nagpunta pa ako ng school matapos 'kong pumunta sa HU dahil sa fair. Pero ngayon, pinagsisisihan ko na kung bakit ako pumunta dun.


Dahil kay Aireel.



Tinignan ko ulit yung cellphone ko pagkabalik ko sa kwarto. Ang daming text ni ate.


Cj, nasaan ka? Zach 'to.




Si Zach pala yung nagtext. Bakit kaya?



Pumunta ka dito sa malapit na ospital na malapit sainyo. Nandito si Julia.



Hala. Anong nangyari kay ate?


Dali dali akong kumilos para makaalis na sa bahay. Wala na akong pakialam kung hindi pa ako nakakaligo o nakakabihis man lang.


Sobra na kasi akong nag aalala kay ate. Ano bang nangyari sa kanya?



Yun pala yung dahilan kung bakit wala sya sa bahay. Eh si mana kaya?



Tinignan ko ulit yung cellphone ko para tignan kung sinabihan ba ako ni mama pero wala. Nasaan kaya yun?



Nandito na ako sa sakayan ng tricycle pero walang mga tricycle dito. Tulog pa kaya yung mga driver? Tsk.



Yan ang problema sa mga tao eh. Pag hindi mo sila kailangan, nandyan sila parati. Pero pag kailangan na kailangan mo sila, tsaka sila maglalaho.



*beep beep*


Napatingin ako sa puting sports car na nasa harap ko na ngayon. Ang angas.


Maya maya lamang ay nakakita ako ng babae na nakashades at talagang ang maangas din pati yung porma nya.


"Hi CJ!" Sabi ng babae sabay nag wave pa ng kamay nya sakin. Napakunot ang noo ko sa ginawa nya. Kilala nya 'ko?


Pero hindi ko sya kilala? Anong klase 'to?


"Napansin ko kasi nung bumibili ako sa convinience store na mag isa ka lang at wala pang tricycle. So..."



Tinanggal nya bigla ang shades nya kaya napaawang bigla ang bibig ko.


Seryoso? Sya nanaman?


"I know what you are thinking and yes, this is me again."

"A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko. Para kasi syang kabute na bigla nalang sumusulpot sa kung nasaan man ako.


"Uhm, isasabay ka?" Patanong na sagot nya sakin. Hindi ko mawari kung anong ugali nya.



Kung baliw ba sya, inosente, mataray, maangas, o mabait?


The Next Stage (COMPLETED) Where stories live. Discover now