chapter 28: untitled

3.6K 110 3
                                    

[Criszy's P.O.V]

Tumayo akong nanglalata,hindi ko makalimutan yung nangyare kagabi.

</3

Flashback

Umalis si tristan non at hindi pa sya nagbabalik.

Nakipag away na si fritzy hindi ko pa rin sya makita,ng pagkatapos kong makausap si fritzy ay minabuti kong hanapin sya.




Nilibot ko na ang loob ng bahay pero wala sya,nilibot ko na rin yung mga bisitang nags-swimming at nagiinuman hindi ko pa rin makita.


"Tristan,asan ka na ba?"hindi mapakaling sabi ko sa sarili ko,tinawagan ko sya pero hindi sumasagot.

Tinignan ko sa backyard,hinanap ng buong mata ko kung pwedeng pagpuntahan ni tristan hanggang sa nakita ko na may resthouse sa tabi ng likod ng bahay nila vincent.

Habang papalapit ako,may naririnig ako,pero hindi ko pinansin.

Nang buksan ko yung pinto,hindi nakalock kaya pumasok ako,when i saw my boyfriend kissing another girl.

Agad na namuo ang luha ko pero pinigilan ko,hindi ko makita yung babae kaya hindi ko malaman kung sino sya.

Narinig nila ata yung hikbi ko kaya tumigil sila."nakakaistorbo ba ko"galit na sabi ko.

Nanlaki yung mata ni tristan sa sobrang gulat.

Hindi nakasagot yung dalawa at saka ko lang nakita yung babae na kahalikan ni tristan,isa yon sa alipores ni ethel,nakangisi yung babae habang nakatingin sakin.

"Kapal ng mukha nyo"madiin na sabi ko sa kanila at saka tumalikod.

Walang sumusunod sakin kaya minabuti ko munang magpunta sa labas para ayusin yung mukha ko.

Maya maya ay bumalik na ko,hindi ako tumingin sa kanya,pero nakangiti ako......ng pilit.

Alam kong masaya ngayon si fritzy at ayoko syang pag alalahanin kaya minabuti kong maging okay kahit hindi.

Ang sama sama sama sama sama ng loob ko,sa madaling salita galit na galit ako kay tristan pero hindi ko pinapahalata,tumabi ako sa kanya ng parang walang nangyare,hanggang sa nagsayaw na kami pero hindi ko pa rin sya tinitignan.

Hindi siya nag-abalang mag-sorry, wala siyang ginawa, wala.

Umuwi ako ng mag isa,umuwi ako ng may sama ng loob.

Ipapakita ko bukas sa babae na yun na hindi nya pwedeng gawin sakin yun.

End of Flashback

Agad akong pumasok sa school para makaiwas kay tristan.


Pagdating ko sa parking lot,hindi ko inaasahang makikita ko sya.

Binalewala ko lang ang presensya nya pero.

Nabihag ako sa mga bisig nya

Agad na namuo ang luha ko,hindi ko na napigilan at sunod sunod na tumulo.


Ang sakit tristan T.T




"P-patawarin mo ko,h-hindi ko sinasadya inakit nya lang ako"pagpapaliwanag na,huminto naman ang pagluha ko.



"At nagpa akit ka naman?"tanong ko at natigilan sya."alam ko namang mahal mo pa hanggang ngayon yung ex mo na yun,pero eto akong si tanga binalewala"naiiyak na namang sabi ko,saka tinanggal ang pagkakayakap nya sakin."pang-ilang beses mo na ba tong inulit tristan?"i asked him with a weak tone.



Humarap ako sa kanya,kahit mahirap.



"Sabihin mo sakin,mahal mo pa ba yung ex mo na yun?"nagpipigil na luhang tanong ko,hindi sya nakasagot kaya nilagpasan ko sya at umalis na,wala akong dalang sasakyan kaya maglalakad na lang ako.

Ang sakit makita na wala ka man lang ginawa para magmabati tayo,lalong namuo ang galit sa dibdib ko at hindi ko alam kung pano mawawala.

Alam siguro ng panahon ang pinagdaraanan ko ngayon kaya bumuhos ang malakas na ulan.

Nang malapit na ko sa subdivision,tumawid ako at hindi ko inaasahan ang nangyari.

Bago pa ko makaiwas ay nahahip na ko.

At ang sunod kong alam,ay marami ng dugong kumalat.

~~end of chapter 28~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now