chapter 50: GGSS

2.4K 88 2
                                    

Fritzy point of view.

Nandito kami ngayon ni vincent sa cafeteria,umoorder sya samantalang ako ay nakatanga lang dito at hinihintay sya.

Nagulat ako ng bigla may apat na babae ang nagpunta sa harap ko kaya inangat ko ang tingin ko.

Ohh,there's a bitch,at ang matinde kasama pa nila si italie,grabe nakakahawa talaga ang kamandag ng mga to.

"Eto ang sinasabi ko sayong girlfriend ni vincent"maarteng sabi ni ethel,may diin pa talaga yung salitang girlfriend .grabe talaga!

"Oh eh anong ganap nyo dyan?"bored na tanong ko.

Hindi na ako nagtaka kung bakit kasama na nila ethel si italie,aba!eh maarte rin yan eh,mukhang maldita pero mas maldita ako.

Fully charged pa naman ang kamalditahan ko ngayon,aandar na naman ang kamalditahan ko sa mga taong walang ginawa kung hindi inisin ako.

"So you're the girlfriend?"mataray na tanong ni italie.

"Yes" tipid na sagot ko

"Hindi ko alam na papatol si vincent sa ganyang itsura mo,eh mas maganda naman ako kesa sayo"maarteng sabi nya.

"Pake ko kung maganda ka?walang kwenta ang physical appearance mo kung pangit naman yang ugali mo"sabi ko.

"Burn!"sabi ng mga estudyanteng nanunuod.

"Wala rin akong pakielam sayo,at saka maganda ako tapos"sabi pa nya.

"Bakit kaya ang daming GGSS sa school na to,ang ang matinde pa,mga attention seeker pa,kaya hindi umuunlad ang pilipinas eh"sabi ko pa.

Aba ang mga bruha speechless.

"Kaya pwede umalis na kayo,shooo,nakaka walang ganang kumain kapag kayo ang kaharap lo"sabi ko pa.At galit na umalis yung mga bruha

Umupo na ako at biglang dumating si vincent.

"Anong ginawa sayo ng mga yon?"nag aalalang tanong nya at umiling naman ako saka ngumiti sa kanya.

"Roses are red,sky is blue,my love is true,and its only for you"sabi nya at nangiti naman ako.

Pambihira!aga agang bumabanat neto oh.

"Dami mong alam"sabi ko.

"Hindi naman,ang alam ko lang naman mahalin ka habang buhay"sabi pa nya.

"Wag mo na nga akong pakiligin,alam kong mahal mo ko at mas lalo kitang mahal"sabi ko.

At yung kupal nagpipigil ng ngiti.

Ang sarap ng ganito yung walang away at puro masweetan.

"Nagseselos ka ba kay italie?"tanong nya, sumimangot  ako.

Banggitin ba naman yung pangalan sa harap ng pagkain,nakaka walang gana.

"Gusto mo bang malaman?"tanong ko.

"Oo"sabi nya.

"Oo nagseselos ako"sabi ko at hinawakan ang kamay nya."kaya please wag mo kong pagselosin sa kanya"sabi ko pa.

"Okay lang kahit magselos ka,basta ako ang dahilan,at saka wag kang mag alala,ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba"sabi pa nya, kaya napangiti ako.

'Sana nga vincent, iba ang kutob ko sa babaeng yan.'

~~end of chapter 50~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now