chapter 58:huling pagkikita

2.4K 75 5
                                    

Fritzy point of view

Hindi muna ako umuwi sa bahay,dahil alam kong pag nakita ako ni kuya na ganito ay magagalit sya,baka kung ano pa ang gawin nya kay vincent.Dumiretso muna ako sa park na laging pinupuntahan namin ni vincent.

Naaalala ko yung mga masasayang alaalang nangyare samin dito.

Flashback

Where's my good morning kiss?"tanong nya at ngumuso

Kelangan ba non?!daming alam ni vincent.

"May ganon?"tanong ko at tumango naman sya.

Lumapit ako sa kanya at mas nauna pa syang ilapit yung mukha nya,adik sa kiss!hmpp!

Lumawak na naman ang ngiti nya,psh,alien to!

"Mukha kang alien"nang aasar na sabi ko.

"Gwapo naman"sabi nya at saka inistart yung engine.

Maya maya nagsalita ako.

"Vincent,mahal mo ba ang buhay mo?"tanong ko.

Bakit?!trip ko lang magtanong!hahahahah.

"Of course,i love my life because,it gave me you,i love you,because you're my life"nakangiting sabi nya.

Namula naman ako sa sinabi nya at tumingin sya sakin saglit.

"Uyy,kinikilig hahahahhaha"panunuksong sabi nya.

"Hindi ah"pagde deny ko.

"Okay lang naman kahit kiligin ka,basta ako ang dahilan"sabi pa nya.

Aga aga bumabanat tong alien na to!hindi na ko nagsalita at baka himatayin na ko sa kilig!

Pumunta kami sa isang park na malapit sa school namin.

"Anong gagawin natin dito?"tanong ko.

"Date?"tipid na sagot nya,psh alien!

Okay!date daw!hinatak nya ko sa mga bike at umarkila sya ng dalawa.

Nagsimula na kaming magbike,minsan binabangga nya ko,binabangga ko rin sya magaling kaya ako magbike,kaya ko nga
Walang hawak eh.

Ang dami pa naming ginawa sa park,nagbike,kumain,naghabulan na parang bata,nagpahiran ng ice cream,baliw tong alien na to eh!

Nang mapagod kami,umupo muna kami.

Maya maya ay biglang syang nagsalita at umakbay sakin,sumandal naman ako sa dibdib nya,grabe ang tigas ah!

"Let's make a deal,you're mine and i am yours"sabi nya.

"Deal"nakangiting sabi ko

"Good"sabi nya.

"Pano ba yan?edi mag aalborotox yung mga babaeng nagmamahal sayo nyan pag nalaman nilang tayo na"sabi ko.

Umalis sya sa pagkakaakbay sakin at hinarap ako saka hinawakan ang pisngi ko.

"Mahalin man ako ng iba,pakielam ko sa kanila,ang alam ko,ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba"nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa noo.

End of flashback

Ang sarap balikan ng mga magagandang alaala namin pero alam kong hanggang alaala na lang yun.

Nag umpisa na namang tumulo ang luha ko,hindi ko mapigilan dahil ang sakit.

Biglang umulan at lalo akong naiyak.




Alam na alam ng panahon ang nangyayare at pinagdadaanan ko.


Niyakap ko ang tuhod ko at saka umiyak ng umiyak.



Ako yung babaeng palaban pero never pang ipinaglaban.



Ang sakit sakit kase eh,alam nyo naman na simula bata mahal ko na sya.



Akala ko....akala ko nagbago na sya.ang sakit sakit sakit




Hindi ko na nararamdaman na Pumapatak sakin yung ulan kaya tumingala ako.




Lalo akong naluha ng makita ko kung sino ang nagpapayong sakin.

Bakit.....bakit vincent

"Umalis ka na"walang ekspresyong sabi ko.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi kita nakikitang okay"sabi nya.

"T*ng*n* vincent,ngayon mo sasabihing aalis ka lang pag nakita mo akong okay,eh ikaw nga ang dahilan eh!!"galit na sabi ko sa kanya."t*ng*n* vincent ang kapal ng mukha mo"umiiyak na sabi ko habang pinagpapalo sya sa dibdib.

Parehas na kaming nababasa ng ulan ngayon dahil nalaglag na yung payong na sumisilong samin.

Hinawakan nya ang kamay ko saka ako niyakap

"Tama na fritzy"sabi nya.

"Hinayaan kitang makasama minsan ang babaeng yun vincent dahil alam kong kailangan"sabi ko"kase ang hirap sa mga tao,kapag pinagbigyan umaabuso"galit na sabi ko.

Tumigil na rin sa pagtulo ang luha ko,sapat na siguro yung mga sakit na nararamdaman ko.

"Tama na fritzy,hindi na kita mahal dahil sya na ang mahal ko"sabi pa nya .

"Wag ka na ring mag habol dahil wala ka ng mapapala,wag ka na ring lumaban dahil wala ka ring mapapala"sabi pa nya at inalis ang pagkakayakap.

"Eto ang tatandaan mo,dadating yung araw na malalaman mo rin kung bakit mo ako sinayang"huling linyang sinabi ko bago ko sya tinalikuran.

~~end of chapter 58~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now