chapter 24: Singing idol

4.1K 134 4
                                    

[Fritzy's P.O.V]

Eto na yung araw na pinakahihintay ko...namin

Alam mo yung feeling na kinakabahan ka dahil baka anytime mapahiya ka? Nararamdaman ko yun eh, baka mabawasan ang ka-malditahan ko dahil sa kahihiyan na mangyayari sakin mamaya.

Sabay at maaga kaming pumasok ni vincent,ewan ko ba dito,friends daw kami tsaka magkapartner daw kami sa contest kaya nagsabay kami,baliw talaga.

"Parang kinakabahan ako ah"kabadong sabi ko,at sya,ayun!kalmadong nakaupo na akala mo mananalo na kami.

"Tara na nga"sabi nya at hinila ako.

"Drag king ka ba?hilig mo manghila"sabi ko.

"Hindi gwapo lang ako"mayabang na sabi nya.

"Gwapong pagkain ka,tsaka libre mangarap pero wag mong sagarin"mataray na sabi ko,at dinilaan nya lang ako.

Pagkadating ko sa gym,WOW ang masasabi ko.as in W-O-W.

Ang ganda kase ng entablado,may mga kurtina sa magkabilang side na nakatayo,may mga maliliit na lobo naman ang nakalagay sa taas,may ilaw na nakasentro sa harap at sa gitna ay may nakakagay na 'singing idol'.may mga kurtina rin sa likod,dun nakalagay yung singing idol,may mga rosas pang nagkalat sa sahig ng entablado at may design na bulaklak sa kurtina.

Madami ring nakalagay na upuan,may mga harang na nakalagay sa bawat gilid ng gym,nagsisimula na ring dumami ang tao.

"Pangs!"sigaw ni vincent at nabalik naman ako sa reyalidad.napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"A-ano ba?!ginulat mo ko"sabi ko sa kanya,tinawanan nya lang ako,at hinila na ako papunta sa back stage.

Sinimulan na kaming ayusan ng mga stylist dun.Dumating si ate pink at pina alala ang gagawin namin.

"Ano?kabisado nyo na ba ang gagawin nyo?"tanong nya,tumango naman kami.

"Natatakot at kinakabahan ako"kabadong sabi ko,natatakot akong mapahiya at kinakabahan ako,baka kase magkamali ako.

"Ano ka ba?wag kang matakot at kabahan,yang takot at kaba mo ang magtatalo sa inyo,wag ka ng masyadong nega,think positive"pagpapalakas loob na sabi ni ate pink.

Bumaling naman ako kay vincent."hindi ka ba kinakabahan?"tanong ko.

"Hindi,ang gwapong katulad ko--"hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng pitikin ko ang ilong nya.

"Talagang hindi mawawala ang kayabangan at kahanginan mo noh?"tanong ko sa kanya.

"Ganun talaga,gwapo ako eh,sige na nga para di ka magreklamo sa kagwapuhan ko,you look good"nakangiting sabi nya.

"Kelangan mo dos,mamaya na hindi ko dala pera ko"sabi ko.

"Kahit hindi dos,kahit puso mo na lang"sabi nya.

Natigilan naman ako sa sinabi nya at napatulala,ganyan ba magpakilig ang isang casanova,please lang tigilan nya na dahil naiilang at kinikilig ako.

"Psh,tama na nga kinikilig ka na masyado eh"sabi nya.

"H-hindi ah"pagdedeny ko

"Guys panghuli kayong magpeperform galingan nyo ah"sabi nya at bumaba.

Nagsimula ng magsalita si ate tina,yung emcee.

"Ready na ba kayo guys?!!"malakas na tanong ni ate tina

"Yessss!!!"malakas na sigaw nila.

"Kung ganon magsimula na tayo,but,before that,let me introduce are judge!!"sabi nya"our first judge,ms.mitch saldevar"sabi nya at tumayo naman si tita,wah,mommy ni criszy to ah,wow,singer siguro sya dati."next is,mr.ronald hilario,and his wife,mrs.cristy hilario"dagdag pa nya at sabay na tumayo ang mag asawa

Tinawag na ang una,magaling silang kumanta kaya kinakabahan ako,10 kaming maglalaban laban,kami ang huling kakanta,yung pangalawa naman magaling din mas magaling sa una,dinadama nya kase yung kanta,pagkatapos nya ay ang pangatlo,mas magaling ang pangalawa kesa sa kanila.


Hanggang sa tinawag na ang pang siyam,napakagaling nila,grabe,lalo akong kinakabahan sa mga kalaban ko,magagaling lahat,at ng kami na ang tatawagin sabay kaming pumunta sa entablado,halos mabingi ako sa lakas ng palakpak at tili nangunguna ang tili ni criszy at nangunguna ang palakpak ni mommy at kuya.

Supportive



Tumugtog na ang musika kaya nagsimula na rin akong kumanta.




Bawat liriko ay dinadama ko,galing sa puso sa bawat pagbigkas.Pagkatapos kong kumanta sumunod namang kumanta si vincent,




Dinadama nya rin ang musika at liriko katulad ng akin,kalmado ang boses pero may dating,napakaganda ng boses nya.



Pagkatapos nyang kumanta,naglapit kaming dalawa at pinagdikit ang parehas na kanang kamay,para kaming sumasayaw habang kumakanta,niyakap nya ako sa likuran na nagpatayo sa balahibo ko,pumikit na lang ako at dinadama ang kanta.




Nang matapos kami,binigyan kami ng isang magarbong palakpakan,halos mabingi ako sa lakas ng tili at palakpak.



Nang bababa na ako mula sa entablado,hindi ko inaasahang madudulas ako,parang nag slow motion ang lahat,at nabihag ako ng bisig ni vincent


Narinig ko ang hiyawan ng tao dahil sa nangyari nakakahiya.



"Be careful"sabi nya.




"Thank you"sabi ko at ngumiti,hoy wag kang tumingin naiilang, nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil para akong matutunaw sa titig niua, tinayo nya na ako parehas kaming bumaba sa entablado.


~~end of chapter 24~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now