chapter 37: Usapang magkapatid

3.3K 110 4
                                    

[Fritzy's P.O.V]

Sabado.

Ang boring ngayon, wala akong masyadong ginagawa, tunganga dito, tunganga doon.

Tama kayo kinakausap ko yung sarili ko,masama ba?!


Tanghali na at gulat akong napatingin sa pinto ng biglang bumukas.

"Ano ba?!bat ka nanggugulat?!"inis na tanong ko sa MAGALING KONG KUYA.

"Wala kang pakielam"sabi nya, ang epal!

"At bakit ka nandito aber?"mataray na tanong ko.

"Masama ba?"tanong nya.

"Oo,bawal panget dito"sabi ko.

"Ah bawal ba,de pwede ka ng umalis?"tanong nya.

"At bakit naman ako aalis?!"tanong ko.

"Slow mo!malamang panget ka hahahahahahahaha!"sabi nya,baliw talaga.

"Umalis ka na nga,shoooo,sinisira mo ang maganda kong araw"mataray pa rin sabi ko.

"De joke lang,eto seryoso na,gusto ko lang na makapag usap tayo,yung usapang magkapatid"sabi nya,wow,seryoso."may gusto lang akong itanong"sabi nya.

"Oh eh ano naman yan?"tanong ko.

"Bakit...bakit ang gwapo ko?!hahahahahaha"tanong nya sabay tawa ng malakas.Hindi ko alam kung may sapak ba to sa ulo eh,buti pinatulan to ni criszy.

Pinanliitan ko siya ng mata tsaka tinaasan ng kilay.

"Talagang di nawawala yung bilib mo sa sarili mo noh?"sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Gwapo ako eh"sabi nya.

Hindi na ko nagtaka kung bakit niya naging kaibigan si vincent, sa kayabangan pa lang magkakasundo na sila.

"Anong gwapo sa mukhang tuko,tss"bulong ko.

"Hoy narinig ko yun!!"sigaw nya.

"Oh edi narinig mo!"sigaw ko rin.

"De seryoso na talaga"seryosong sabi nya."pumayag akong ligawan ka ni vincent dahil may tiwala ako sa kanya at sayo,pero sa oras na saktan ka nya"pambibitin nya.

"Ano?"tanong ko.

"Edi saktan ka nya hahahahaha"sabi nya,baliw talaga!.

"Your so mean"masama ang tingin ko sakanya,kakainis.

"Pero sa oras na saktan ka nya,kahit damit mo di nya mahahawakan,kahit buhok hindi nya makikita,at asahan nyang bubugbugin ko sya ng wagas hanggang sa maging duguan sya"seryosong sabi nya.

Napalunok naman ako."a-ang brutal mo naman,pero na touch ako hahaha"sabi ko.Nakakatouch.

"Hindi nga kita hinawakan eh"sabi nya.

Napasapo naman ako sa noo ko"hindi ko alam kung matino ka pa ba o may sapak ka na sa ulo"sabi ko.

"Matino pa naman ako,saka totoo ang sinabi ko,nakooo,wag ka lang nyang sasaktan,dahil pag ginawa nya yun"sabi nya"isang bala lang sya"dagdag pa nya.

Hinampas ko naman sya sa braso,"napaka brutal mo talaga,tumigil ka na nga dyan,saka wag ka ngang magfeeling fernando poe,di bagay,malaki katawan non kumpara sa katawan mong payatot"sabi ko.


"Gwapo naman"sabi nya,inirapan ko lang sya."pero pansin ko,mula ng nanligaw sayo so vincent bumait ka,hindi ka na ganong nagtataray"sabi nya at natigilan naman ako.

Well, pansin ko nga, pero hindi maaari, masisira ang titulo kong 'fritzy park ang nerd na maldita'. HINDI PWEDE, HINDI!

"Mall tayo"sabi ni kuya at nangiti naman ako.

Lagi na naming bonding yun,magmomall kami tas marami akong nakakaaway,eh ano pang silbi ng character ko dito kung di ako magmamaldita!

DUH,kaya nga ang nerd na maldita eh,psh.

"Sure"masiglang sabi ko,at agad kaming kumilos.

~~end of chapter 37~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now