chapter 59:loving and caring kuya

2.5K 78 2
                                    

Fritzy point of view

Bago ako umuwi sa bahay ay sinisuro kong maayos ang lagay ko,walang bahid ng sakit,lungkot,at galit.




Nakangiti akong pumasok sa gate pero alam kong pilit lang yon.



Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin agad akong sinalubong ni kuya at mommy.



Syempre kinabahan ako!baka alam nila yung nangyare samin ni vincent!



"H-hello mommy and kuya"kunyaring masiglang sabi ko.




"Nasaan si vincent?"walang ekspresyong tanong ni kuya.




"H-hindi ko alam kuya"sabi ko.



Marahas nya akong hinatak,pero sa hatak na iyon,alam kong galit sya,paktay!alam nya kaya?!




"Pasok!"sabi ni kuya kaya natutulirong pumasok ako.




"Tristan kumalma ka,wag mong pairalin ang galit mo"sabi ni mommy.


So alam na nga nila!pero sino naman ang nagsabi?!




Hindi pinansin ni kuya si mommy at inistart nya na ang engine at mabilis na nagpatakbo.




Agad naming narating ang bahay nila vincent.



"Oh tristan at fritzy,may problema ba?"tanong ng mommy ni vincent ng makasalubong namin.



Umilin kami at saka ngumiti."asan ho si vincent?"tanong ni tristan.




Tinuro ng mommy nya yung kwarto ni vincent at agad naming pinuntahan yun.




Mahinahon lang si kuya pero mararamdaman mo ang galit sa kanya.




"Ang kapal ng mukha mong saktan ang kapatid ko vincent"sabi ni tristan pagkapasok namin sa kwarto ni vincent.





"Umalis na kayo"sabi nya.




Agad na lumapit si kuya kay vincent at sinuntok ito.




"Pinagkatiwalaan kita tapos ganyan ang ipapalit mo?"galit na tanong ni kuya.



Wala akong humpay sa pag awat kay kuya at vincent.




Ngayon ay nagsusuntukan na sila kaya nagsalita na ko.



"Hindi ba kayo titigil?"walang ekspresyong sabi ko at natigil naman sila.




"Hayaan mo na sya kuya,hayaan mo na,nagmamakaawa ako"sabi ko.




"Wag kang mag-alala vincent,hinding hindi ka na namin guguluhin"sabi ko at tumalikod na sa kanila.

******

Nang makarating na kami ni kuya sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at alam kong sumunod din sya.




Dun ko na hindi napigilang humagulgol.




Agad akong nilapitan ni kuya at niyakap.




"Patawarin mo ako kung wala akong ginawa"malungkot na sabi ni kuya.




"Wala kang kasalanan kuya"sabi ko."ang sakit kase dito eh"turo ko sa dibdib ko."ang sakit ng ginawa nya,gusto ko syang ipaglaban pero hindi ko alam kung para saan pa"umiiyak na sabi ko.




"Lahat pwedeng lumaban,pero hindi lahat tama ang ipinaglalaban"sabi ni kuya.



Maya maya ay tumigil na rin ako sa pag iyak


"Salamat kuya,hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala ka,i love you"sabi ko sa kanya.



"Wag ka ng magdrama,basta nandito lang ako pag kailangan mo ng karamay,i love you din"sabi din nya.


~~end of chapter 59~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now