chapter 53: Panunuyo

2.5K 88 1
                                    

Vincent point of view

Hayst,grabe hindi ko talaga maiwasang magselos kanina,ayaw ba naman akong pansinin kanina tapos makikita ko lang na may katawanang ibang lalaki,putcha sino kayang hindi magseselos dun?

Alam ko namang nagseselos sya kay italie kase kanina pa kami magkasama,eh ang dami kaseng pinagawa samin ng prof.

Alam kong nadagdagan pa ang galit nun dahil hindi ko sya sinuyo,eh sobrang busy ko eh!ngayon na lang  ako babawi.

Hay, napaka-walang kwenta kong boyfriend!

Pumunta ako sa bahay nila.

"Tita asan po si fritzy?"tanong ko

"Nasa kwarto nya,tsaka bakit namamaga ang mata non?anong nangyare dun?"takang tanong ni tita mary.

Nagulat ako, namamaga yung mata? Ibig sabihin umiyak siya, aish!

"Hindi ko po alam eh,sige po akyat na po ako"sabi ko at tumango naman sya.

Bakit kaya namamaga yung mata non?

Pumasok ako sa kwarto nya at hindi ko sya nakita dun kaya umupo muna ako sa kama nya at hinintay sya,baka nasa banyo lang yun.

Tama nga ang hula ko at lumabas sya sa banyo,at mugto mugto yun mata,aish,kasalanan ko to eh.

Gulat syang napatingin sakin ng makita ako sa kwarto nya,pero yung gulat nyang mukha ay napalitan ng blangkong ekspresyon.

Paktay!

Tinignan nya lang ako at nagtuloy tuloy sya sa bag nya at inayos,nakoo,nilagpasan ako!paktay na talaga ako neto!


"Baby girl?"tawag ko pero di pa rin sya nagsalita.

Nakatalikod sya sakin at nag aayos ng gamit.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya patalikod.

"Baby girl,sorry na"sabi ko,pero di pa rin sya sumasagot.

"Oyy,sorry na"sabi ko pa.

"Sorry your face"sabi nya at akmang aalisin ang pagkakayakap ko pero mas hinigpitan ko pa.

"Alam kong napaka jerk ko para pagselosin ka,sorry na"sabi ko pa.

"Ewan ko sayo,at ang sama sama ng loob ko sayo"sabi pa nya.

Umupo ako sa kama at inupo sya sa kandungan ko.

"Sorry na babyyy"sabi nya."tell me what to do?"seryosong tanong ko.

"Gusto no talagang malaman?umalis ka sa bahay namin, ang panget mo at naiirita ako sayo"sabi nya.

Ang sungit talaga nito! Okay lang yan, mahal ko eh.

"Sorry na baby,alam mo namang ikaw kang yung mahal ko eh"sabi ko pa.


Humarap sya sakin at tumayo,pinamewangan nya pa ako.

"Diba sabi ko sayo wag kang lalapit kay satalie?at ang matindi pa dun,nakipagtawanan ka pa,nananadya kaba?sapakin kaya kita?"nakataas na kilay na sabi nya.

"Sorry na nga,sorry na"sabi ko pa at hinatak sya.

"Sorry na ha"sabi ko at hinalikan sya sa noo at labi.

"Oo na"inis na sabi nya.

"Galit ka pa?"tanong ko.

"Oo at pwede ba bitawan mo muna ako para makapagbanyo ako?"tanong nya at binitawan ko naman sya.

Alam ko na,tatanungin ko na lang si tita mary.

"Tita ano po bang pwedeng gawin para hindi na po magtampo si fritzy?"tanong ko.

"Ay,tamang tama nagluto ako ng minatamis na saging,ibigay mo sa kanya yan,siguradong magugustuhan nya yan"_sabi ni tita.

"Salamat po"sabi ko.

*********

Fritzy pov

Saan kaya nagpunta yung kupal na vincent nayun?baka umuwi na?psh wala talagang kwenta.



"Meryenda para sa maganda kong prinsesa"nagulat ako ng biglang sumulpot si vincent dala yung....waahhh,minatamis na saging


Agad akong lumapit sa kanya at nagsimulang kumain,inalok ko na rin sya dahil naawa ako.


Dumighay ako at humarap kay vincent .

"Salamat"sabi ko.

"Bati na tayo?"tanong nya at tumango naman ako.


Hinatak nya ko at inupo sa lap nya.



"Wag ka ng lalapit kay satalie ah"sabi ko at tumango naman sya sabay halik sa labi ko at nag hug kami.

"I love you"dagdag nya.

" i love you too"sabi ko pa.
~~end of chapter 53~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now