chapter 26: Celebration(part 1)

3.8K 124 1
                                    

[Fritzy's P.O.V]

Matapos kong mamahinga ay naligo na ako 6:00 ang simula,5:31 na,agad akong nag ayos pagkatapos kong maligo.Nagulat ako ng biglang pumasok si mommy na ang laki ng ngiti sa labi.

"Nakoo,halika my princess,ipipili kita ng maganda at sexy na damit"nakangiting sabi sakin ni mommy,at agad naman syang naghalungkat.

Napabuntong hininga naman ako at palihim na tumawa,kahit anong pigil ko dito kay mommy hindi sya magpapa awat kaya hinayaan ko na sya,may tiwala ako sa kanya dahil alam kong magaling syang pumili at mag ayos.

Habang nagsusuklay ako biglang itinaas ni mommy ang isusuot kong dress.Halos mapanganga ako sa nakita ko,a-ang ganda!tube sya tapos may glitters na nakakalat sa damit,kumikinang.

Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganyang damit dyan, peronhindi na ako nag-abalang tanungin pa si mommy.

"Halika,aayusan kita"sabi ni mommy.

Lumapit ako sa kanya at kinuha nya naman yung mga gagamitin sa pag aayos sakin,sinimulan nya na akong make up-an,tahimik lang ako habang inaayos ako,iniisip ko rin kung anong mangyayari mamaya,kinakabahan ako,pero mas kinakabahan ako kase makakasama kong pumunta ang mahal ko sa party na yun,para sa inyong mga nagbabasa hindi big deal,pero para sakin oo,walang basagan.

Pagkatapos ng mahaba habang pag aayos sakin biglang may bumusina sa labas,eksakto at tapos na rin akong ayusan

"Mom,andyan na po yung sundo ko"sabi ko,binigyan nya naman ako ng nanunuksong tingin.

"Sino yung susundo sayo?"nakangiting tanong ni mommy.

"S-si v-vincent po"nahihiyang sabi ko.

"Yieee,o sige na anak pumunta ka na dun at ako na ang mag aayos dito"sabi nya,at tango naman ako sabay yakap at halik sa kanya.

Agad akong bumaba at naabutan kong papalabas na si bessy at kuya.Tinawag ko sila at gulat naman silang napatingin sa kin.

"B-bessy,a-ang ganda mo"sabi sakin ni criszy,nahiya naman ako at batid kong namumula ang pisngi ko.

"S-salamat,ikaw din napakaganda"sabi ko at lumapit naman sya saka ako niyakap.

"Tama na yan,tara na babe,ingat kayo ni vincent lola,at kahit labag sa loob ko,maganda ka NGAYON"sabi ni kuya at sabay sabay kaming naglakad palabas.

"Ngayon lang?de bale gwapo ka rin naman NGAYON"sabi ko,at binelatan nya lang ako.

"Hoy vincent,mag iingat kayo!"sigaw ni kuya kay vincent at tumango naman si vincent.

Agad akong sumakay sa kotse,at alam ko ring namumula ako ngayon dahil sa pagtitig na ginagawa nya sakin, nakakailang.

"Tara na"sabi ko at tumango lang siya at hindi nagsalita, inistart niya yung engine saka nagmaneho.

Tahimik lang kami sa byahe wala ni isang nagsasalita.

Wala rin naman akong balak magsalita at mukhang siya rin ay walang balak kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

Nang makapunta kami sa party,namangha ako sa disenyo ng bahay,tama kayo bahay nila vincent to.Halatang pinaghandaan ang selebrasyon na ito

"Mukhang pinaghandaan mo tong party na to ah?"nakangiting tanong ko.

"Ganon talaga,gwapo ako eh"sabi nya napairap naman ako."kelangan daw partner partner kaya bilang nakakagwapong kaibigan mo ikaw ang pinili ko"sabi nya.

Friend?K.

Tumango lang ako sa kanya at inilahad nya ang kanyang kamay at kinuha ko naman yun.

Ang sakit non ah! Kaibigan.

~~end of chapter 26~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now