chapter 52: untitled

2.4K 90 0
                                    

Fritzy point of view

Nandito ako ngayon sa cafeteria at hindi pa rin nababawasan ang sama ng loob ko.

Sinabi ko ng wag syang lalapit sa bruhang yun,at ang matinde,katawanan pa,kesyo ang sweet sweet daw nila dati.Pambihira!parang option na lang ako dito ah,buset!

Kaya vincent gumawa ka ng paraan para matanggal yung sama ng loob ko!

Alam mo yung feeling na kanina ang sweet nya sayo tapos ngayon parang hangin na lang ako para sa kanya.

Lalo pang nadagdagan ang sama ng loob ko dahil si italie na naman ang kasama nya.

Hindi naman sa selfish ako,pero mine is mine,my property is my property!

Mag-isa tuloy akong kumakain ngayon dito sa cafeteria.

Nagualat ako ng biglang nasa harap ko na si ranchein.

"Anong ganap mo dyan?"mataray na tanong ko,aba!parang kabute,sulpot ng sulpot!

"Wala naman,saka bakit ba nakabusangot yang mukha mo?ang pangit mo tuloy"sabi nya.

"Alam mo minsan na nga lang tayo kung mag-usap,manlalait kapa,eh kung pasabugin ko kaya mukha mo?sinong mas pangit sa atin?"inis na tanong ko

"Hahahahahaha,kalma ka lang"sabi nya at inirapan ko naman sya.

Maya maya ay bigla syang kumain ng spaghetti at nilakasan talaga kung paghigop.

Tumingin ako sa kanya at natawa ako kase meron pa syang,bahid ng spaghetti sa gilid ng labi.

"Para kang bata kumain"natatawang sabi ko.

Magsasalita pa lang sana sya ng may makauna na sa kanya.

"Nakakaistorbo ba ko?"tanong ni kupal na vincent,istorbo your ass,bwisit!

"Ako ba nakakaistorbo?"inis na tanong ko at inirapan sya bago tumayo!

Makapunta na nga lang sa library,nasira mood ko sa dalawang umepal kanina!


Pagkapunta ko sa library,yumuko na lang ako.

Hindi ko matanggap na kasama nya ngayon si satalie,nagseselos ako, at para akong pinapatay habang nakikita siyang masaya samantalang ako mag-isa.

Hindi ko namamalayang nangilid na pala yung luha ko sa mata.

Nagseselos ako at ako lang ang nakaka alam

Di mo alam kung gano kasakit makita kang tumatawa pero hindi ako ang dahilan.

Tumulo na ang luha ko,hindi ko mapigilan,ayoko lang kasing maagaw sya dahil mahal na mahal ko sya noon pa man.

Uuwi na lang ako,dahil alam kong hindi nya ugaling sumuyo ng tao.

~~end of chapter 52~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now