chapter 62:ranchein

2.6K 79 4
                                    

Fritzy point of view

Nasa classroom na ako at nag tuturo na ang prof namin.


Hindi ko maiwasang tignan ang sweet na sweet na couple.

Lumipat na rin ng upuan si vincent at tumabi kay satalie,ngayon si ranchein naman ang katabi ko.

Hindi ko maiwasang malungkot,syempre ang masaktan.

Ang sakit makita kang masaya sa piling ng iba

Kahit anong tapang ang ipakita ko,deep inside,there's a fragile.

Malakas man akong tignan pero nasasaktan na ko.

Kung mahal mo ko vincent hindi mo gagawin sakin to.

Ganyan naman palagi eh,yung promises nya nagiging drawing.

Hindi ko na sila kayang tignan kaya nagtaas ako ng kamay.

"Yes ms.park?"tanong nung teacher.

"Pwede po bang pumunta sa clinic?masama po kase pakiramdam ko"pagdadahilan ko.

"O-ok"sabi nung prof.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang clinic.

Kanina pa masama ang pakiramdam ko pero pinipigilan ko lang.

Pagkapunta ko sa clinic,tinanong muna ako ng nurse bago pinapasok agad akong nahiga at pumikit.

Fritzy wag kang iiyak,ipakita mo na malakas ka.

Nakakapagod na,ilang araw na akong ganito.

Wala sa sarili,hindi makausap.

Maya maya,naramdaman kong may umupo sa gilid ko kaya agad akong napatingin dun.

Nakita ko si ranchein sa gilid ko

"Masama ba talaga ang pakiramdam mo?"nag-aalalang tanong nya.

Tumango naman ako.

"Magpahinga ka na lang,babantayan kita"sabi nya.

"Hindi na,makinig ka na lang sa prof"pagtanggi ko

"Wag ng makulit"sabi nya at napabuntong hininga naman ako.

"Alam mo,namiss ko yung ganito,naaalala mo ba yung nagkasakit din ako non,tapos inalagaan mo ko"nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tapos nung inaalagaan mo ko,humihiga ka sa tabi ko kase sabi mo inaantok ka,napaka antukin mo non saka antakaw mo"natatawang sabi ko.

"Sige asar pa"sabi nya.

Hay,i miss this,close na close kami dati nyan,ultimong bilang ng nunal nyan bilang ko,hahahahahah.

"Pwede ba ulit kitang maging bestfriend?"nakangiting tanong ko.

Sa mga oras na to kailangan ko sya dahil alam kong sya lang ang makakaintindi sakin.

"Oo naman"nakangiti ring sabi nya.

Ang gwapo nya ha,dati kase cute lang sya,ang laki kaya ng tyan nya dati.

"Talaga?"paninigurado ko at tumango naman sya."kung ganon,samahan mo ko sa bar dali"sabi ko at tumayo sabay hila sa kanya.

Kelangan ko to para kahit minsan makalimutan ko yung problemang dinadala ko.

"Wag ka ng tumangi tara na"sabi ko pa at hinatak sya.

Wala na syang nagawa kung hindi sumunod.

******
Vincent's point of view

Lumabas muna ako para sundan sya.

Hindi ako ganong lumapit sa kinaroroonan nya dahil ayoko muna syang guluhin,nagtataka rin ako kung bakit sya sinundan ni...ranchein

Natatanaw ko silang dalawa na magkasama,hinahatak sya ni fritzy

Parang tinutusok ang dibdib ko sa nakikita ko pero wala akong magawa.

~~end of chapter 62~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now