Fritzy point of view
Kakatapos lang ng klase at kasalukuyan kaming naglalakad ni ranchein papunta sa cafeteria.
Pagkapasok na pagka pasok pa lang namin sa cafeteria ay umusbong na naman ang mga bulungan ng mga tsismoso at tsismosa sa school.
"Diba kaka break lang nila ni vincent?"
"Oo"
"Grabe,kaka break lang may bago na agad"
"She's a flirt eh"
Bulungan ng malalandot at tsismosa sa school.
Ang lakas ng loob pagsabihan akong flirt.
"May bibigyan lang ako ng leksyon"sabi ko kay ranchein,nangunot naman ang noo nya.
Pinuntahan ko ang kaninang nagbubulungan at sumunod naman sakin si ranchein.
Nasa amin na naman ang tingin ng estudyante,tsk tsk!
"Baka gusto nyong lakasan pa yung panglalait"sarkastikong sabi ko,nag cross arms ako at tinaasan sila ng kilay.
Hindi naman nakasagot yung dalawa kaya nagsalita ulit ako.
"Ano bang meron sa pangalan ko at kailangan nyo kong pag usapan?"mataray na tanong ko."eh napaka espesyal nga ng pangalan ko eh"sabi ko pa.
"Feeler"mataray na sabi nung babae at inirapan ako.
"At anong karapatan mong pagsabihan ako ng feeler at flirt?"mataray na tanong ko."kung makalait ka eh mas malala ka pa nga eh"sabi ko sa kanya,at inis naman syang tumingin sakin.
"Oh diba tama ako?"tanong ko at hindi sya nakasagot."sino ba sating dalawa eh kung makipaghalikan wagas parang walang ng bukas,ako ba?oh diba ikaw?"sarkastikong tanong ko,galit naman syang tumingin sakin."kaya wag kang mag-malinis"mataray na sabi ko.
"Arghh!!"galit na sabi nya at tumakbo.
Tumuloy na kami sa cafeteria,umorder muna si ranchein at maya maya ay dumating na rin sya.
"Ang dami naman nyan,hindi ko maubos yan"sabi ko.
"Para sayo lang ba to?"tanong nya.
"Sinabi ko ba?"mataray na tanong ko,at napapailing na lang sya.
Nagsimula na kaming kumain at maya maya ay may babaeng nakatayo sa harap ko kaya unti unti kong inangat ang tingin ko.
Si ethel ,infairness wala syang make up ah.
"Pa upo ah"sabi nya,hindi na ko sumagot dahil umupo na sya bago mag paalam.
Psh,nagpa alam pa sya.
"Anong kailangan mo lil sis?"tanong ni ranchein kay ethel.
"Wala naman,gusto ko lang kausapin si fritzy"sabi nya,naiangat ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Ano naman yun?"takang tanong ko.
"Thank you ah"sabi nya.
"Para saan?"tanong ko.
Baliw ba to?!
"Dahil sayo na realize kong mas maganda pala ang maging simple,mas magandang maging mabait"sabi nya.
"Wala yun"sabi ko
Ang bait ko diba?magsabi ng hindi papasabugin ko bahay hahahaha joke.
"So friends?"tanong nya at inilahad ang kamay.
Kinuha ko naman yun at nagsalita."friends"nakangiting sabi ko.
"Pero kahit kaibigan kita,mas maganda pa rin ako"sabi nya at napairap naman ako.
Kahit ganon ang itsura nya mahangin pa rin tsk tsk.
Pero,nagbago naman sya,bumait sya ng one percent joke,basta wala na syang make up.
Pwede pa naman syang magbago kung gugustuhin nya.
~~end of chapter 70~~
![](https://img.wattpad.com/cover/105500247-288-k489376.jpg)
YOU ARE READING
ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED]
Teen Fiction"Ako si Fritzy Park, ang nerd na maldita" Written in filipino Title: Ang nerd na maldita Author: Boundless_dreamer [ NEW WATTPAD ACCOUNT: ahoealt ]