chapter 36: Piggy back ride

3.6K 122 3
                                    

[Fritzy's P.O.V]

Tapos na ang klase at nag aayos na kami ng mga ginamit namin.

"Pangs,tara sama ka sakin"sabi nya,hindi na ako nakapagsalita dahil,hinatak nya na ako.

"Saan mo ba ko dadalhin?"tanong ko,pero di nya ko sinagot.


Nang makapunta kami sa kung saan niya ako dinala,isa to sa mga tambayan sa school namin,may swings at maraming puno,marami ring mga estudyante dito,yung iba nagliligawan hahahaha.

"Marunong kang mag skate board?"tanong nya.

Tumango naman ako,magaling ako pagdating sa skateboard,eto yung libangan ko dati eh hahahahaha.

"Nice,tara"sabi nya,hinila nya ako kung saan nakalagay yung mga skate board,nangheram sya ng dalawa.

Agad naming kinuha ang skateboard at tinungtungan,magkahawak kami ng kamay habang nag i-skate board.Kahit kailan di ako binigong pasayahin ng skate board,ang saya ko lalo na at kasama ko si vincent.

Mahaba haba rin ang pag i-skate board namin,tinigilan na namin yun at umupo sa swings,medyo konti na lang yung mga estudyante dahil mag gagabi na rin.Nang malapit na kami sa swings,bigla akong natapilok,agad naman syang lumapit sakin.Ang sakit!

"Ayos ka lang?"tanong nya,at tumango naman ako kahit hindi, ,inupo nya ako sa swings.

"Gusto mo na bang umuwi?"tanong nya.

"Oo,eh"sabi ko.tumango naman sya.

Nang tumayo ako,bigla akong natumba,nagkamali ata ng bagsak yung paa ko,hindi ako makatayo kumikirot.

"Kaya mo bang tumayo?"nag aalalang tanong nya.

"H-hindi eh"nahihiyang sabi ko.

Tumalikod naman sya sakin at lumuhod.


"Sakay"sabi nya.

"H-ha?"tanong ko.anong sakay?

"Sakay"sabi nya,halaa!sakay daw!ano re?piggy back ride?!.


So sweet hahahahahahahaha

Hindi na ako nag alinlangan at sumakay na ako,mahirap na baka magalit tong gwapong pagkain na to pag nag inarte pa ko.

Sumakay na ako sa likod nya,nagsimula naman syang maglakad papunta sa parking lot.


Nang makapunta kami,agad syang nagmaneho papunta sa bahay namin.

Pagkapunta namin don,saktong nasa labas si mommy.Gulat syang napatingin samin,paktay,di ko pa nga pala nasasabing nanliligaw sakin si vincent,nakalimutan ko.

"Uy,n-nakalimutan kong sabihin kay mommy na nanliligaw ka sakin,n-nakalimutan ko eh"sabi ko at napakamot sa ulo.

"It's okay,ako na lang magsasabi"sabi nya,tumango naman ako.

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now