chapter 30: Feelings

3.6K 139 2
                                    

[Fritzy's P.O.V]

Tatlong araw ng nasa bahay si criszy bukas pa ang pasok nya dahil nagpapagaling pa sya.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ngayon kasama si....gwapong pagkain

Nung hindi pa pumapasok si criszy,sya na ang kasama ko.

Naaawa ako kay kuya,dahil lagi syang tulala at malata,hindi sya nakakausap ng maayos,siguro dahil dun sa nangyari.

"Hoy pangs,pangit mo na nga,tumutulala ka pa"pang aasar ni vincent.

"Pangit ka rin"pang aasar ko rin.

"Ah pangit pala ah"tumayo sya sa kinauupuan nya,hinatak nya ko at bigla nya akong binuhat.

"O-oy vincent baba mo ko!"sigaw ko sa kanya,pinagtitinginan at pinagbubulungan na rin kami ng mga tao sa cafeteria.

Nang makarating kami sa library saka nya lang ako binaba.

"Baliw ka talagang tukmol ka,ano namang gagawin natin dito sa library?"nakataas na kilay na tanong ko.

"Malamang magbabasa,ano bang ginagawa sa library?"pilosopong tanong nya.

"Alam kong magbabasa,tsk"sabi ko

"Hahahahahah,tara na nga"sabi nya,at hinila ako papasok.

Nang makapili na kami ng mauupuan,nagsalita sya.

"M-may gusto kase akong sabihin sayo"nahihiyang sabi nya at nag iwas ng tingin,kinakabahan naman ako!

"A-ano yun?"nauutal kong tanong.

"A-ano kase"nauutal na sabi nya,shit!namumula sya hahaha.

"Ano nga?"natatawang tanong ko.

"If i fall inlove,you think s-she will catch me?"seryosong tanong nya.

Swerte naman nung babae na yun,hayst.

"O-of course"sino ba namang babae ang hindi sasalo sayo.

"Are you sure?"naniniguradong tanong nya.

"Oo nga,eh teka nga kanina ka pa english ng english dyan,sino ba yang lucky girl na yan?"tanong ko pero di sya
sumagot."ay,snobber,peymus?saka sigurado akong sasaluhin ka non,ang swerte nya kaya sayo tapos--"hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang syang tumayo.

Tumayo na rin ako,unti unti syang lumapit sakin,ako naman ay lumalayo.A-ano bang ginagawa nya!?k-kinakabahan ako sa kanya!

"A-ano bang g-ginagawa mo?"mahinang tanong ko.

Hindi sya sumagot at,hinarang nya sa pader yung dalawang braso nya kaya hindi ako makaalis sa mga bisig nya.

Masyado akong kinakabahan!hindi ko alam kung anong gagawin ko!hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako.

What to do?

Alam kong namumula ako,at wala akong pakeelam,gusto kong malaman kung anong gagawin o sasabihin nya.

"If i fall inlove with you,you will catch me?"

~~end of chapter 30~~

Alam kong napabilis yung pag aaminan nila,wag mag alala guys,marami pang problema ang dadating,hinay hinay lang ahhahahahaha,

VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY RECOMMENDED.

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now