chapter 77:sakit sa puso

2.7K 80 1
                                    

Fritzy point of view.

Lunes na na ngayon at may pasok na ulit kami.

Sabay kaming pumasok ni ranchein.

"Oy bessy,usap usapan sa buong campus na break na si vincent at italie ah"

"Oo nga bessy,balita ko rin niloko ni italie si vincent."

"Ang kapal naman ng mukha nung italie na yun na lokohin si vincent"

Bulungan ng mga tsismoso at tsismosa dito sa school.

Totoo yun?break na si vincent at satalie?

Wala naman kase akong balita sa dalawa na yun kaya hindi ko alam ang nangyayare sa kanila.

Agad kaming pumasok sa classroom,hinanap ko agad upuan ni vincent pero wala sya.

So totoo nga?

Karma.

Agad kaming umupo ni ranchein sa upuan namin.

"Pstt,fritzy"tawag sakin ni ranchein.

"Bakit?"tanong ko.

"A-anong gusto mong endearment natin?"nauutal na tanong nya.

Oyyyyy,nahihiya.

Ayoko ng baby,ayoko rin ng babe,alam ko na hon na lang.

"Hon na lang"nakangiting suggestion ko.

"S-sige hon "sabi ni ranchein at ako,nagpipigil ng ngiti

Keleg ako ahahhahaha.

P.E namin ngayon kaya pinalabas kami ng prof namin.

Habang naglalakad kami,biglang sumikip yung paghinga ko at hinihingal ako.

Biglang sumakit ang dibdib ko kaya napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko.

"Hon okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni ranchein.

"Okay lang ako hon"sabi ko at ngumiti.

Inalalayan nya akong maglakad at pumunta na kami sa open field.

"Okay class,ang gagawin natin ngayon ay takbuhan,kelangan nating malaman kung gano kayo kabilis tumakbo"panimula ng prof."park at barcelon"tawag samin ng prof.

Agad kaming pumwesto ng kaklase ko.

"Go hon"pagchicheer sakin ni ranchein ngumiti lang ako sa kanya at umayos na.

"Ready get set go"sabi ng prof kaya agad kaming tumakbo.

Nangunguna ako sa kaklase ko kaya mas binilisan ko pa.

TAKBO

TAKBO

TAKBO

Malapit na ako sa base ng biglang sumikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

Nanlalabo ang mata ko.

And next thing i know,all went black.

*********

Nang imulat ko ang mata ko ay agad kong nakita ay puti.

Puro puti yung nasa paligid.

Sigurado akong hindi ako patay dahil humihinga pa ako.

Nakakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib ko at sikip ng paghinga ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko at parang may nakapatong sakin.

"Anak!anak"nagising ako ng may marinig akong malakas na sigaw.

Pagkamulat ko ng mata ko ay nakita ko si mommy,kuya,criszy at ranchein na alalang alala.

"Jusko po,a-anak okay ka lang ba?"nagaalalang tanong ni mommy.

"Opo,n-nasaan po ako?"takang tanong ko.

"Nasa hospital ka anak,nawalan ka ng malay nung P.E nyo"sabi ni mommy.

"Lalabas muna ako at kakausapin pa ako ng doctor"pagpapalam ni mommy.

Nagpaalam na din si kuya at criszy kaya natira na lang dito si ranchein.

"O-okay ka na ba hon?"nag-aalalang tanong ni ranchein.

"O-okay lang ako,pero feelin ko nanghihina ako"sabi ko sa kanya.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Magiging okay din ang lahat"sabi nya at ngumiti.

Maya maya ay biglang pumasok si mommy kasama si criszy at kuya.

Nagtaka ako ng makita kong umiiyak si mommy

"Bakit ka umiiyak mommy?"takang tanong ko."mom don't cry"pagpapatahan ko sa kanya.

"A-anak,m-may sakit ka sa puso"

~~end of chapter 77~~

ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED] Where stories live. Discover now