Fritzy pov
Kasalukuyan akong mine make up-an ni mommy dahil may celebration na gagawin sa bahay nila vincent.
Hindi pa rin ako makapaniwala,OA na kung OA pero paki nyo ba?minsan lang akong manalo eh hahahaha
"Ayan,anak ang ganda ganda mo"papuri sakin ni mommy,ngumiti na lang ako saka humarap sa salamin.
Dati hindi ako nakakaranas ma make up-an,pero ngayon,hayst.
"Thank you mom"sabi ko at niyakap sya,
"No problem anak"sabi ni mommy,at hinihimas ang buhok ko.
"Lola!andyan na yung manliligaw mo!"sigaw ni kuya mula sa baba.
"Oo na bababa na!"sigaw ko rin."mom,pano?una na ko?"tanong ko at ngumiti naman si mommy,sabay tango.
Hinalikan ko muna sya sa pisngi,bago ako bumaba.
"Bessy,grabe ang ganda mo"sabi ni criszy na pumapalakpak pa.
Lumapit naman ako sa kanya at yumakap.
"Miss na kita bessy,maganda ka rin"sabi ko pa.
"Kwentuhan tayo mamaya,mukhang marami rami ka ring ikekwento sakin mamaya"nakataas na kilay na sagot si criszy at tinawanan ko lang sya.
"Una na ko,sunod na kayo kuya ah,ikaw kuya di mo man lang ba ako tatawaging maganda?"mataray na tanong ko sa kanya.
"Psh,hindi,alis na nga shooo"pagtataboy sakin ni kuya,inirapan ko na lang sya
Nakita kong nasa gate si vincent kaya kinalabit ko sya.
Agad syang lumapit sakin na malaki ang ngiti sa mga labi,weird
"Kiss ko?"tanong nya at inginuso ang labi.
"Kiss mo mukha mo"sabi ko sa kanya,at binelatan sya.
Napailing na lang sya pero hindi pa rin napapawi yung ngiti sa mukha,psh baliw.
Inistart na nya ang engine at nagsimula ng magdrive,kating kati na ko sa pagtatanong kung bakit sya nakangiti eh.
"Hoy,gwapong pagkain,bat ang laki ng ngiti mo dyan?"nagtatakang tanong ko.
Umiling na lang sya, inirapan ko naman sya,nababaliw na.
Nang makarating kami sa bahay nila,agad kaming sinalubong ng mommy at daddy ni vincent.
"Oww,hello iha"masiglang sabi ni tita beatriz at niyakap ako,niyakap ko na lang din pabalik.
"Magandang gabi iha"bati sakin ni tito lucas at ngumiti naman ako.
"Mom,punta muna kami dun ni fritzy"sabi ni vincent at nakangiting tumango naman si tita kay vincent.
"You look perfect"namumulang sabi nya.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya,tinignan ko mabuti ang mukha nya at nagsalita.
"Gwapong pagkain bat ang gwapo mo?"tanong ko at namula naman sya,uyy kinikilig
"Inborn"maikling sabi nya.
Binigyan ko naman sya ng nanunuksong tingin.
Maya maya pa ay nagsimula ng magparty.
~~end of chapter 45~~
YOU ARE READING
ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED]
Teen Fiction"Ako si Fritzy Park, ang nerd na maldita" Written in filipino Title: Ang nerd na maldita Author: Boundless_dreamer [ NEW WATTPAD ACCOUNT: ahoealt ]