[Fritzy's P.O.V]
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng bahay nila vincent,napako ako sa kinakatayuan ko,i'm so nervous!
"Tara,let's go"sabi niya sabay hatak sakin, pero hindi ako nagpatinag sa kinakatayuan ko.
"Pwedeng bukas na lang? O kaya sa isang bukas, o kaya sa isang linggo, o kaya sa isang taon"kabadong sabi ko.
"Bakit bukas pa?bakit hindi pa ngayon?"nagtatakang tanong niya.
"K-kase ano,Masakit tiyan ko! Oo tama! Masakit tiyan ko."ani ko at nagkunwaring masakit talaga ang tiyan ko.
"Akala ko ba tiyan ang masakit sa'yo? Eh bakit naka-hawak ka sa ulo mo?"aniya at saka tumawa ng malakas.
Umayos ako ng tayo at pinanliitan siya ng mata.
"Tawa pa."mataray na sabi ko.
Tumigil siya sa pagtawa at saka sumeryoso.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.
( -) (- )
"Sorry na, i just wonder na ang sinasabi nilang Maldita eh may kinakatakutan pala."naka-ngising sabi niya.
Tinulak ko siya at nagpamewang.
"Ako may kinakatakutan? In your dreams."matapang na sabi ko,isa lang naman ang kinakatakutan ko, ang mawala ka sa'kin.
Hinawi ko siya at naunang maglakad, pero natigil din ako ng makita ko 'yung mommy at daddy ni vincent.
Haharapin ko na sana si vincent pero agad niya akong inakbayan, at ngiting ngiti na hinarap ang magulang namin, este niya.
"Mom and dad,this is fritzy,my girl"pagpapakilala ni vincent sakin.
Hanudaw?my girl?!
"Your girl,it means,your girlfriend?"nakangiting tanong ng mommy ni vincent.
"Ay hindi po Mrs.Sy,nililigawan nya pa lang po ako"sabi ko at ngumiti.
Tumango-tango yung mommy ni vincent habang nakangiti.
"Halika iha at papakainin ka namin ng tita beatriz mo,ohhh by the way ako nga pala si Lucas Sy at sya naman si Beatriz Ay ang aking asawa"pagpapakilala ni sir lucas.
"A-ahh,hello po sir and ma'am"magalang na sabi ko at yumuko.
YOU ARE READING
ANG NERD NA MALDITA [COMPLETED]
Teen Fiction"Ako si Fritzy Park, ang nerd na maldita" Written in filipino Title: Ang nerd na maldita Author: Boundless_dreamer [ NEW WATTPAD ACCOUNT: ahoealt ]