Costs

4.1K 239 45
                                    

May 9, 12:30am:

M: *sits alone in a corner during a break in the set, sighs after browsing through her social media accounts, sends Niki a text message*

Ate, sorry. 😔

R: *sits beside M, slips an arm around M's shoulders then pulls her in for a tight hug, kisses the top of her head and gently rubs her back up and down*

M: *sighs deeply, wraps her arms around his waist and snuggles on his chest as he quietly comforts her*

R: Love... Yung phone mo. *points to M's phone in her hand with its lights pulsing indicating an incoming call as it silently rang*

M: *checks her phone*

Ate Niki calling...

M: *answers phone* Ate?

AN: Menggay, ano ba naman tong text mo? Wala kang kasalanan.

M: Ate, kasi naman... *sobs*

R: Uy! Hala! *hugs M tighter and kisses her temple and hair repeatedly as she talks to AN on the phone*

AN: Huy Menggay! Wag kang umiyak diyan nakakaloka ka!

M: How could anyone say something like that about a baby? Ako na lang. They can hate and bash me all they want. I won't care pero kayo... si Bonqui... Ano bang malay nung bata? *sobs as tears flow from her eyes* Kasalanan ko to eh...

AN: Wala ka ngang kasalanan. Yung babaeng yun ang di nag-iisip.

M: Kasalanan ko. Kasalanan ko to lahat. *sniffles*

AN: Ano ba, Menggay? Kung nandiyan lang ako nabatukan na kita. Hindi mo kasalanan yun. Ano bang ginawa mo? Nagsaya ka lang naman kasama namin at ng mga nagmamahal sa'yo. She was an outsider giving her idiotic and unwelcome opinion on things she clearly does not understand. Langya napa-English na ako sa kulit mo eh. Wala kang kasalanan, okay? Isa pang pilit mong kasalanan mo to, kukurutin kita sa singit kahit may asawa ka na.

M: *scoffs* Ate naman eh. Nagmo-moment ako oh. Natawa tuloy ako sa kurot sa singit.

R: Uy!

M: Si RJ oh nanlaki mata. *giggles*

R: *laughs*

AN: *laughs* Hay naku kayong mag-asawa talaga. Ayan. Tawanan na lang natin ang kabaliwan ng mga taong ganoon. Kanina talagang galit na galit ako kaya di ko na kinayang manahimik. Wag mo nang isipin yun, Menggay.

M: Ate, kasi... *sighs*

AN: Ano na naman? Kukurutin na talaga kita. Kanina pa ako nalulunod sa lalim ng buntong hininga mo.

M: Ate please... Eto lang.

AN: Okay. Ano yun.

M: Minsan naiisip ko na... Siguro kung wala ako dito. Siguro kung... hindi ako nag-artista... siguro kung nakuntento na lang ako sa buhay natin sa Bulacan, kung tinanggap ko na lang yung offer nina Tatay na magtayo ng restaurant para yun ang pagkaabalahan ko, kung hindi ako nakilala ng mga tao... Siguro... siguro walang samaan ng loob, hindi kayo madadamay, hindi niyo kailangang sumagot sa mga tao, hindi kailangang masira ang pananahimik niyo, hindi niyo kailangang mag-adjust para sa akin, hindi kayo makakabasa at makakarinig ng hindi maganda, hindi kayo madadamay. Kung normal at tahimik lang siguro ang buhay ng Tita ni Matti, hindi siya masasabihan ng ganoon, hindi ka masasaktan at hindi ka magagalit ng ganyan. *voice cracks, bites her trembling lips as tears escape her eyes once again*

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now