Rainboots

3.3K 298 15
                                    

September 12, 12:30am:

M: *sits on the bed and looks at R who who enters the bedroom* Tagaaaal umuwi. Akala ko... *pouts and crosses her arms over her chest, lets R kiss her cheek when arrives*

R: Akala mo ano? Halaaaah... *tickles her side*

M: Iiieeeh... Wag ka nga. *pushes his hand away*?

R: Halaaaah... Tampo ba baby ko? *pokes her nose*

M: Tagal mo umuwi. *pouts* Sick ako oh. *feigns coughing*

R: Luh luh luh... Ang cute cute. *pinches her cheek* Eh andito naman mga friends mo, hinayaan lang muna kita to spend some time with them. Also, you said you want to read the advanced copy of your book and I want to give the time to do that too.

M: Time. Time. Umuwi ka pa. *pouts* Eh kung next week ka na umuwi madaming time yun.

R: Gusto mo ba?

M: Ayaw.

R: *grins* Ayaw pala eh. Halika na kasi. Hug ko na. *reaches for M who crawls into his arms*

M: Hindi ka talaga uuwi ng one week?

R: Ikaw nagsabi nun. *chuckles and kisses the top of her head, inhales deeply to breathe the sweet scent on her hair* Miss ka na daw ni Lola ayaw nga akong pagbuksan ng gate dahil di daw kita kasama.

M: *giggles* Naku. Pa-eme lang ni Lola yun. Love na love ka kaya nun.

R: Eh parang mas love ka na. Naisip ko tuloy pag nagkaanak na tayo talaga, itatakwil na ako. *chuckles*

M: Tayong dalawa malamang. Wala na tayong kakampi. *laughs*

R: *pouts and hugs M tighter* Tayo na lang dalawa. Ikaw at ako.

M: Tayong dalawa na lang talaga. *snuggles closer to R*

R: *laughs* We sound like an old couple na lumaki na ang mga anak at nagsipag-asawa na.

M: *laughs* Ang exagg ba natin?

R: Masaya naman maging exagg minsan parang ako exagg ang love ko sa'yo. *chuckles and kisses her forehead*

M: Ako din naman. *giggles as R kisses her nose*

R: Oo nga pala. Sandamakmaaaaak ang bilin ni Lola para sa'yo.

M: *giggles* Ano daw?

R: Wag ka daw maliligo ng malamig, wag ka daw muna daw mag-aircon na imposible mo namang gawin kaya ang sabi magbalot ka nang buong katawan, mag-jacket at mag-sumbrero. Uminom ka daw ng maraming sabaw at kumain ng maayos. Susmaryosep! Literal na isang kaldero ng sopas ang dala ko. Andun sa kusina. Iinitin ko na lang para sa'yo. Double dose ka daw ng vitamin C kaya ayun may pinadala ding isang kilong kalamansi. Pigain ko daw para gawing juice. Alam mo ba kung gaano kadami yung isang kilong kalamansi? Kahit hindi na ako mag-gym parang nag-work out na din ako kakapiga nun.

M: *laughs at R's description* Grabe.

R: Totoo kaya. Kita mo? Kita mo kung anong parusa sa akin ng Lola pag nagkakasakit ka? Kaya wag matigas ulo mo. Magpagaling ka agad.

M: Opo. *grins up at R and kisses his chin* Oo nga pala, papasok na daw ako bukas, Love, medyo malapit lang baranggay.

R: May bagyo ah. Wag muna. Mababasa ka na naman ng ulan.

M: Iiieeeh... Naiinip na ako dito. Okay lang naman naghanda na ako ng rain-proof outfit. Pati paa ko hindi mababasa.

R: Paano?

M: Ay wait! *runs to the closet* Tada! I got rain boots. Oh di ba? Keribells na.

R: *laughs* Sige na nga. Sukat mo nga.

M: *puts the boots on and walks around the bedroom like a model* Bagay? With the right outfit, di na halatang parang si Ronald Mcdonald ako sa laki nito. *giggles*

R: *laughs* Halika nga. *sits on the side of the bed*

M: *walks over to R and sits on his lap*

R: *wraps his arms around M and leans his forehead on her temple* Mag-iingat ka ha? Call or text me every ten minutes.

M: Ten minutes talaga?

R: Oo naman. Pag tumagal pa doon na wala akong balita from you baka mabuang ako.

M: *giggles* Sige na nga. Basta relax ka lang. I'll be okay. Ikaw din ha? Balitaan mo ako palagi. Nag-aalala din ako para sa'yo uy. *pinches his cheeks*

R: But of course. Ayaw ko kayang pinag-aalala ang misis ko.

M: *giggles as R peppers her cheek and neck with kisses and tries to speak between her laughter* I love you. *cradles his jaw with one hand and nuzzles on his cheek*

R: *smiles and closes his eyes* I love you more.

M: *whispers* Can I kiss you?

R: And risk catching a cold again? By all means. *grins and slips his hand on M's nape before kissing her deeply and passionately* 💛🍃

*********
Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading.

Payb Takes Book 3Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang