June 17, 9pm:
M: *places a bowl of rice on the table* Kain na po tayo. *smiles as she sits beside R, they are having an advanced Father's Day dinner with DB and TD with ND*
ND: Niluto mo to, nak?
M: Yung pasta lang po, Nay tsaka yung carrot cake mamaya for dessert ako nag-bake. Si RJ po sa Seafood Kare-kare yung iba po galing na sa resto. Di na po naman kinaya magluto.
TD: Ayos to. Masarap to sigurado. Magaling magluto talaga tong si RJ ano, balae? *puts seafoods on his plate while ND puts rice on it*
DB: Oo, balae, natuto kay Mommy. Laging nakabuntot sa Lola niya sa kusina yan.
TD: Aba ayos ano? Kahit pala di masyadong magaling magluto itong si Menggay namin hindi magugutom ang mga apo natin.
M: Tay naman eh. Marunong na po ako magluto. Apat na taon ko pong inaral yun. Grabe ka po sa akin.
TD: Anak, nagsasabi lang ako ng totoo. Yung kanin nga nasunog mo pero hilaw sa rice cooker pa yun.
M: *pouts*
R: Naku, Tay. Magaling na po talaga magluto si Menggay. Lagi niya po akong pinagluluto at masarap po talaga kaya hirap nga po akong magpapayat eh. *chuckles*
TD: Wow. May cheerleader na ang Menggay. *grins* Aba maige kung ganoon ibig sabihin handa na din maging nanay itong bunso kong babae.
M: Hala siya Tay. Pinu-push mo na yan talaga ha?
TD: Oh eh si RJ matagal ko nang alam na ready na. Ikaw kasi baby girl pa din kita eh. *chuckles and playfully tousles M's hair*
ND: Pasasaan ba ang magkaka-anak din naman kayo. Happy Father's Day, nak. *giggles and winks at R*
R: *grins* Thank you, Nay.
DB: Kailan ka nga ba magiging father na din, anak. Tumatanda na ang daddy wala pa ding apo. Nababagot na ako sa kaka-selfie. *laughs*
R: Akala mo naman di ka magse-selfie pag nagkaapo malamang, Dad, puro selfie niyo ng baby namin ni Meng yang Instagram mo.
DB: Kaya nga nakakabagot mag-isa. Gusto ko nang kasama sa picture ang cute na cute kong apo. *positions one arm to look like he's holding a baby and hold one arm up to take a selfie*
R: *laughs with everyone at DB's antics* Praktisado, Dad, ah.
DB: Naman. Inip na nga ako magkaroon ng buhat itong braso ko puro hangin lang ang nayayakap ko. Buti pa itong sina balae may Matti na.
TD: Kulang na nga din. Palaging wala eh. Nakaka-miss ang may bata. Nak, sana dalawa agad para tig-isa kami ni balae ng karga.
M: Ano po to, Tay? Manika lang? Pwede pa-customize at mag-request kung ilan. At talagang pagti-tigisahin pa. Kaloka. *laughs*
TD: Ang tagal kasi, nak eh. Wala pa ba kayong balak?
M: Meron naman po.
TD: Baka sa kaka-diet mo, nanghihina na yang katawan mo. Kung dahil lang sa bikini kaya di ako magka-apo sa inyo, susunugin ko yang lahat.
M: Luuuh... Si Tatay oh. Beastmode agad? Hindi na po ako nagda-diet.
DB: Baka eto namang si RJ ang nasosobrahan sa trabaho at kaka-gym kaya pag-uwi sa misi pagod na. Di talaga ako magkaka-apo.
R: Uy, Dad! Kahit magdamag na trabaho at mag-gym pa ako, kayang- kaya ko pong maya't- maya gu...mawa *voices fades when he realizes TD and ND are listening* ng baby. *blushes*
YOU ARE READING
Payb Takes Book 3
FanfictionImagined BTS MAICHARD Stories 💛 Mr. and Mrs. Faulkerson are back for more kilig, cheese, mush, emo, kisses and harot in this third installment of Payb Takes.💛