May 30, 12:30 pm:
R: Ano ba? Tragis naman oh! Sumagot ka namaaaaaan... *slumps on the floor of his lungga, sighs and frowns at his phone while he grips it in one hand*
MT: Huy, Tisoy! Wag ka nga diyan. Napaghahalataan ka na ng mga kasama mo dito. Problema mo?
R: Di kasi sumasagot, Ma eh. Kanina pa ako nagte-text. Nasa singkwenta na ata tong messages ko walang sinagot kahit isa.
MT: Tampo pa rin?
R: Okay na kami kanina eh. Sabi niya magte-text siya. Tapos ngayon... aaaargh! *grips his phone harder*
MT: Ssshhh... Umayos ka nga. Kung may hininga lang yang cellphone mo kanina pa nalagutan sa higpit ng hawak mo. Baka busy lang.
R: Busy *pouts*
MT: Wag kang umarte diyan. Madalas ka din niyang pagpasensiyahan pag "busy" ka. *air quotes the word busy*
R: *sighs* Oo na. Gusto ko lang naman malaman kung nakarating na yung pinadala kong lunch at kung kumain na siya.
MT: Andun na ng daw sabi ni Eric. Nahatid na niya.
R: Nakita na ni Meng? Ano daw sabi?
MT: Wala. Nagbibihis si Meng. Iniwan daw kay MJ.
R: Bakit di sinigurado na na kay Meng na yun? *rolls eyes*
MT: Eh sigurado na yun pag na kay MJ. Wag ka na mainis kay Eric tama naman ginawa niya. Ikaw lang ang OA.
R: Oo na! *furiously scrolls down his phonebook then punches a contact name to dial* Hello Kuya Wally.
Wally: Oh Alden! Bakit di ka naka-online ngayon?
R: Ah hindi na muna Kuya Wally pahinga muna po. Uhm... Kuya, kumain na ba si Meng?
W: Parang. Di ko sigurado pero parang nakita ko kanina na may binigay si MJ sa kanya dala ni Eric. Kausapin mo ba? Nagme-makeup lang. Sandali. *walks towards M*
R: Kuya, wag na!
W: Makasigaw naman to. Kaharap ko na. Eto.
R: Wag na Kuya! Pakitanong na lang kung asan phone niya.
W: Ah okay. *talks to M* Meng, asan daw phone mo? *relays message to R* Na kay MJ daw.
R: Ahhh... Oookay... Kuya, pakitanong kung na-check na niya.
W: *talks to M* Na-check mo na ba daw? *relays to R* Hindi pa daw.
R: Okay. Paki-remind naman po siya na tignan. Nagte-text kasi ako.
W: Eh bakit di ikaw magsabi? Eto na kasi. *sees M shake her head* Ah, okay. Gets. Tignan mo daw text niya, Meng. *talks to R when he sees her nod her head* Okay daw.
R: Sige. Thank you, Kuya.
W: Kung ano man yan maayos din yan.
R: Inaayos na po namin. Thank you po. Pakisabi po kay Meng...
W: Ano?
R: Miss ko siya.
W: Ayiiieee... Ano ba? *covers mouth with hand, kilig ala Dra. Dora* Miss ka daw niya, Meng. *squeals when he sees M can't contain her giddy smile, reaches out his phone to M*
YOU ARE READING
Payb Takes Book 3
FanfictionImagined BTS MAICHARD Stories 💛 Mr. and Mrs. Faulkerson are back for more kilig, cheese, mush, emo, kisses and harot in this third installment of Payb Takes.💛