I Love You Berry Much

3.1K 294 28
                                    

September 12, After Sugod Bahay:

M: *hears her phone and answers* Hello?

R: Love, ano? Kumusta? Nabasa ka ba? Dapat kahit konti di ka nabasa ah. Promise mo pati paa hindi mababasa. Napagod ka ba masyado? Nasaan ka ngayon? Pauwi na kayo? Baka abutan kayo ng baha. Sabi na dapat tumuloy ako diyan kahit late na.

M: *giggles* Ang daming tanong, Dy. Alin ba uunahin ko? Hindi po ako nabasa kahit paa dahil kasing protective mo po ang mga tao dito patong-patong ang payong sa akin. *laughs* Nasa van na po ako. Paalis na. Hindi naman daw baha sa dadaanan namin kaya pwede mo na pong i-cancel yung chopper na pang-sundo.

R: Paano mo...

M: *laughs* Joke lang yun. Wag mong sabihing totoo pala.

R: Uhm... Teka lang. *whispers to MT to call off the chartered chopper* Wala. Walang chopper uy.  *grins*

M: Hay naku, Richard Faulkerson Jr. as if I don't know you. *rolls eyes*

R: Haaay... Dapat talaga nandiyan ako eh para di ako nag-aalala nang ganito.

M: Okay nga lang kasi ako. Di ka na rin aabot sa Sugod Bahay kung sakali tsaka buti na lang din na nandiyan ka kasi madadalhan mo ako ng pasalubong. Alam mo naman ano? Lahat ng favorite ko, tinabi mo na?

R: Oo naman. Lahat ng favorite mo naitabi ko na. Unang-una na itong isang basket ng strawberries. Sa kanila na yung isa basta ito hinding-hindi ko to bibitawan at hindi mawawala sa paningin ko, para sa'yo lang to.

M: Aaaw... Thank you so much, Love. Kung katabi lang kita ngayon, iki-kiss kita.

R: Hala! Ayan na! Papunta na ako. Ngayon na! Pwede ko pang ituloy yung chopper o kaya sasakyan ko tong basket ng strawberries at magpaanod sa baha. *grins*

M: *laughs* Wag! Mapisa yung strawberries ko.

R: Yun talaga ang concern mo?

M: Oo naman. *laughs harder*

R: Grabe siya. Sakit ah.

M: Ano ba? I love you. Alam mo naman yun.

R: Minsan hindi. *pouts*

M: Uuuy...

R: Anoooo?

M: I love you, mister ko.

R: *smiles giddily* I love you more. Isa pa nga. Sarap pakinggan.

M: I love you, mister ko. Kita tayo mamaya.

R: I love you so much, misis ko. Daan ko na muna tong strawberries sa condo para ma-ref na. Tapos pa-South muna ako. May lalakarin kina Dad at sa Cliffhouse branch. Check ko na din yung bahay.

M: Okay.

R: Anong gusto mong pasalubong? Something na ipa-pares sa strawberries maybe? Whipped cream? Chocolates? Coffee? Milk? Your favorite cake from Mer-nel's?

M: You. *smirks*

R: Uy! *grins, speaks in a low voice* How do you want me?

M: *blushes and tucks her hair behind her ear* Halaaaah...

R: *chuckles* Ano? Ikaw nag-umpisa. Don't leave me hanging, Mrs. Faulkerson.

M: Uy... Halaaaah... Teka... Okay.

R: So? How do you want me?

M: Fresh and ready to eat with cake and strawberries. *smirks*

R: Uy! Pwede na bang umuwi ngayon na?

M: *laughs* You have a show to finish and I won't eat you... I mean I can't eat strawberries with you without the cake. *grins*

R: Mukhang palaban ngayon ang misis ko ah. Sige. Mamaya ka sa akin mag- Eat All You Can tayo. *smirks*🍓

💛🍃

********
Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading.

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now