One

4.4K 344 98
                                    

November 27, 7am:

R: *rings the doorbell to Dean's unit*

D: *opens the door* Kuya, ang aga mo. *yawns and rubs his eyes*

R: Good morning, Dean. May dala akong breakfast. *raises the paper bag of fast food delivery*

D: Morning. Pasok ka, Kuya. *sleepily walks inside to the dining room, sniffs to smell the food and coffee in the bags* Sarap niyan.

R: Para sa inyo talaga to. *follows and places the bags on the table but his eyes are looking somewhere else, M's bedroom door* Si Meng?

D: *yawns again and starts opening one of the bags* Di pa lumabas mula kagabi pero sinilip- silip ko, okay naman.

R: Sa palagay mo... *sighs* Sa palagay mo gusto na kaya niya akong makita?

D: *takes a sip of the coffee which shakes him awake, looks at R* Kung gusto, gustong-gusto ang tanong handa na ba siya. Mukhang hindi pa kasi hindi pa siya okay. Di ba ayaw nga niyang makita mo siyang ganoon?

R: *sighs and nods his head* Alam ko.

D: Kuya, siguro hayaan na muna natin siya sandali. Ganyan kasi siya talaga kahit nung mga bata pa kami minsan talaga mas gusto niya na siya lang muna para walang nadadamay. Alam mo naman kung bakit siya ganito di ba? Dahil ayaw ka niyang madamay. Ang importante naman alam niyang andiyan ka lang para intindihin at suportahan siya. Tayong lahat nandito lang.

R: *sighs and nods his head* Naiintindihan ko naman. Mahirap talaga. Masakit. Pero naiintindihan ko.

D: Kuya, wag masyadong malungkot mukhang nagkakasakit ka na. Okay ka lang ba?

R: Okay lang ako. Medyo masama lang ang tiyan ko kagabi pa. May nakaing di maganda. Wag mo na lang sabihin kay Menggay ha?

D: *nods his head* Ikaw bahala, Kuya. Basta okay ka lang ha?

R: Oo, Dean. Sige. Uwi muna ako. Pakisabi na lang kay Meng na dumaan ako. *smile weakly, his shoulders dropping defeatedly* Ikaw na muna bahala sa kaniya.

D: Yes, Kuya. Promise di ko siya pababayaan.

//

10:00am:

MT: Nak, sigurado kang okay ka lang? Mukhang namumutla ka na eh. Nakailang conference call na din kayo ni mayor, sinamba mo na din ang inidoro. Di ka pa din kumakain. Masama yan. Dito ka na lang kaya muna. Pahinga ka muna, nak.

R: *slumps on the couch and sighs* Tignan natin, Ma. Mukhang kaya ko naman.

MT: Ayan ka na naman. Sinasagad mo na naman ang katawan mo. Sumbong kita kay Menggay eh.

R: Ma! Wag na wag mong sasabihin kay Menggay ha? Makakadagdag pa ako sa bigat ng iniisip niya. Okay lang nga ako. Wag OA.

MT: Hindi ako OA. Alam ko lang talagang Made in China yang internal organs mo at madali kang magkasakit.

R: *chuckles faintly* Grabe siya. Uy! *eyes suddenly beam when he hears his phone ring and excitedly answers M's call* Hello, Love.

MT: Ay sus! Ayan tayo eh. Parang biglang tinurukan ng vitamins. Taas ng energy bigla. *chuckles* Sige. Diyan ka muna. Ayusin ko na gamit mo.

M: Nandito ka daw kanina. Thank you sa breakfast.

R: *smiles* You're welcome. *sighs* Na-miss ko ang boses mo. Nami-miss kita. *blinks back the tears slowly forming in his eyes because for a few heartbeats there she is quiet on the other except for the sound of sniffles and muffled sobs*

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now