August 1, 2017:
"Nakakatuwa talaga si Kuya Lord noh? Ang happy happy niya lang." I giggled as we proceeded to the designated hosts' area at the baranggay after Sugod Bahay.
"Masaya siya kasi naka-kiss siya sa'yo. Dalawa pa." You teased and I laughed.
"Hindi lang yun. Sobrang saya lang talaga niyang tao. Generally."
"Oo tapos sobrang positive ng pananaw niya sa buhay. Parang walang kulang sa kanya." You agreed.
We sat on individual plastic chairs in one corner and continued our conversation.
"Sa tingin ko may kulang lang naman talaga kung iisipin mo na may kulang sa buhay mo. You can have everything in the world but still feel something lacking. I think the better description for Kuya is kuntento. He is content with what he has and appreciates everything that comes his way that's why he's happy and positive. Hindi man siya nakakakita, mulat na mulat naman siya sa kagandahan ng buhay." I said with a smile, still thinking about the inspiring man we met that day.
"Tama ka nga dun, Love. Ikaw ba? Ano pang kulang sa'yo?" You asked.
"Wala na. Sobra sobra pa nga sa pinangarap ko ang binigay sa akin. Itong trabahong mahal ko, love and support of family and friends, mga taong patuloy na nagtitiwala, IKAW. Kuntento na ako, kung ano pa ang darating, bonus na yun." I said. "Ikaw ba? Ano pang kulang?"
"Baby." You laughed.
"Malapit na." I giggled.
"Pero alam mo? Simula nang dumating ka sa buhay ko, nabuo talaga ako. Nakumpleto na din ang buhay ko. Kaya kung kailan man ibigay sa atin yung baby, alam kong kuntento na ako bago pa man siya dumating." You smiled as you stared at me intently and held my hand.
"Ano ba?" I blushed and tucked some stray hair behind my ear.
I leaned closer to you and whispered. "I love you."
It was your turn to turn red. You then whispered back. "I love you more."
We sat quietly smiling at each other for a while then you asked.
"Love, paano kung kagaya ni Kuya, mabulag din ako, anong gagawin mo?"
"Ano pa ba? E di bibigyan kita ng lata at ipaglalatag sa bangketa." I laughed and you scowled at me.
"Joke lang." I grinned. "Ang serious naman kasi bigla ng tanong mo, Love." I sighed and stared deep into your eyes. "Siyempre sasamahan kita, aalagaan at mamahalin. Walang magbabago. At ako ang magiging mga mata mo."
"Magiging pabigat ako sa'yo. Di na ako makakapag-artista. Wala na akong trabaho. Di na kita mapo-protektahan at maaalagaan. Mahihirapan ka." You added.
"That doesn't make you less of a person. You will still be the man I love. Hindi naman kita minahal dahil artista ka, gwapo at sikat. Minahal kita dahil mabuti kang tao at totoo ka sa akin. You showed your truest self to me and I loved everything I found here." I said as I placed a hand above your heart. "Kuntento na ako doon. Masaya na ako. Yung pag-aalaga at pag-protekta, bonus na lang yun. Tsaka ikaw din ang laging nagsasabi sa akin, walang mahirap at mabigat basta mahal mo. So whatever challenges we have to face IF that happens, we can definitely overcome them together. Okay?"
"Okay." You answered.
"Okay. Kumatok ka na diyan sa kahoy, kung ano-anong pinagsasabi mo kasi." I frowned.
"Sorry na." You said as you knocked on the wooden table.
"I love you no matter what. Forever and always. Tandaan mo yan." I smiled.
"And I love you more and more. All of you, in whatever time or universe. Seen or unseen. Forever and always." You smiled back and kissed my hand. 💛🍃
********
A/N:Unbeta'ed and not proofread.
Short update lang. Napaka-inspiring kasi ni Kuya kaya hindi ko siya mapalagpas.
I would also like to take this chance to apologize.
I hate disappointing you guys but I'm afraid hindi ko po mapagbibigyan yung mga nag-request sa story about sa issue with R and his youngest sister.
It's too sensitive a topic for me personally kasi I know how much emotional trauma a child has when he/she finds out na may kapatid ka sa iba kahit na your mother passed na. Tapos mako-complicate pa ng issue about her being his lovechild. Hindi ko lang talaga keri ang emotional hugot to write that. Sorry po. Super personal lang sa akin.
Though the pain has been over and dealt with, as I'm sure nangyari na din with R and his family, I fear I am not fit to write this fic without personal bias.
Believe me, I have been pondering on this for a while but found that I simply cannot write it.
Sorry po and Thank you for your patience.
Next updates will be for the Tali episode na, here, Eh Yung Hindi Naman Tayo? DATI and The Calculator. I'll try to post them all until tomorrow morning para makabawi sa pag-pass ko sa prompt.
Thank you eblibady. Love ko kayo. 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/107168384-288-k39166.jpg)
YOU ARE READING
Payb Takes Book 3
FanfictionImagined BTS MAICHARD Stories 💛 Mr. and Mrs. Faulkerson are back for more kilig, cheese, mush, emo, kisses and harot in this third installment of Payb Takes.💛