Lihi

3.6K 280 32
                                    

October 20, 2017:

R: Love, kalmahan mo lang. Mabibilaukan ka na niyan sa bilis mong kumain eh. Ano ba yan? *chuckles and shakes his head*

M: Ang sarap kasi eh. Thank you, Love. Buti nakahabol pa pala ako ng tawag sa'yo at nauwian mo ako nito.

R: Bakit nga ba yan? Parang ngayon lang kita nakita kumain ng ganyan. Mahilig ka ba talaga diyan?

M: Hindi nga eh pero nung makita ko yung IG story ni Kuya Sam kasama si Mama Ten sa may palengke, parang natakam ako sa mga nakita ko dun as in with matching paglalaway ganoon. Tapos wala na akong ibang gustong kainin kundi ito.

R: *gasps* Oh my gahd! Love, naman ang dami nitong dala ko oh. May suha, special na chocolates, mangosteen at candies, may malong pa. Tapos marang? Marang pa talaga? Pasalamat na nga lang siguro ako na hindi durian.

M: Oo. Eh bakit kung maka-react ka naman diyan? Ang OA ah! Oh! Open. *offers to feed R a mouthful of the fruit*

R: *eats what M gave him and chews* Eh kasi naman bakit marang pa ang napaglihian mo? Tapos dahil pa talaga sa video ni Mama Ten. Paano na yung baby natin? Eh kung...

M: Anooooo?! Sinong naglilihi?! Anong baby?!

R: Ako! Ako ang naglilihi! *grins* Ano ba? Eh di siyempre ikaw. Hindi naman ako pwedeng magbuntis, Love. *points his lips, twitches his nose and eyebrows*

M: Whaaaat??? Buntis ako??? Sinong nagsabi?!

R: Ikaw.

M: Sinabi kong buntis ako? Kailan? Paano? Saan?

R: Kasi sabi mo pagkakita mo sa marang natakam ka, naglaway at wala ka nang gustong kainin kundi ito. Eh di ba ganoon pag naglilihi ang buntis?

M: *laughs* Ganoon pag may craving, yes. Lagi naman akong ganoon di ka na nasanay. *eats another mouthful of the fruit*

R: Eh kasi sabi mo nung ano na nag-ano tayo nang sobrang ano...

M: Ano?

R: Sabi mo noon, fertile ka tapos naka-ilan tayo. Umasa ako, Love. Umasa ako! Masakit umasa.

M: *giggles* Grabe! Ang bilis mong umasa, Love. Wala pa nga ata yung one week.

R: Malay ko ba kung mabilis lumaki si baby. *grins*

M: Ganoon kabilis? Ano ba sa tingin mong ipagbubuntis ko? Alien? *laughs* Laughtrip ka, Love. Atsaka kung maka-baby ka diyan. Sure na sure ka na?

R: Ayaw mo ba?

M: Gusto naman pero ayaw ko naman mag-assume nang hindi sigurado. Basta isa lang ang alam kong sure, hindi pa natin alam kung buntis nga ako at this very moment at itong craving ko na ito ay hindi paglilihi okay? Kalmaaaa... *giggles* Wag na muna nating isipin please.

R: Mga ilang weeks bago malaman for sure kung positive?

M: Love... *holds R's hand and frowns*

R: Okay, Love. Hindi ko muna iisipin.

M: Wag kang mae-excite, wag kang kakabahan, wag kang aasa para di tayo masaktan like the last time we thought... *sighs*

R: Okay. Hindi na, Love. *kisses M's hand* Kung dadating, dadating. Kung hindi naman... Kung hindi naman eh di tuloy ang practice. Di ba nga may kasabihan tayo... *laughs giddily*

M: Anong kasabihan yan? At nauna pa yang kilig at tawa mo?

R: May kasabihan po tayo na... *grins* Practice... makes...

M: Perfect?

R: Hindi. Practice makes a baby! *giddily grits his teeth and pinches M's nose*

M: *laughs, pinches R's cheeks* Ikaw talaga. Push mo pa yan.

R: Pu-push ko talaga. *holds M's face between his palms* Richard Faulkerson The Third, anak! Malapit na tayong magkita.

M: Talaga naman. *laughs, sits on R's lap* Handa ka na ba kung sakali?

R: Handang-handa na! *grins* Ikaw, Love?

M: *sighs and smiles* Takot pero handa na din naman. *touches their foreheads together* Handa ako sa lahat ng haharapin ko pa... natin sa buhay kasi kasama kita, magkasama tayo palagi. Andiyan ka kaya kaya ko lahat, handa ako sa lahat. I love you.

R: *smiles, caresses M's cheek and kisses her temple* I love you most. *pulls M closer and rests his head on her chest* 😌

💛🍃💛🍃💛🍃💛🍃

********
Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading.

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now