September 13, 2017:
R: Love, tara! Movie. *beams at M after dinner*
M: Sige. Mag-play ka diyan. May bago ba?
R: No. Sine tayo. *wiggles his eyebrows*
M: *rolls her eyes* Alam ko na. Gusto mo panoorin yung "It" last week mo pa sinasabi yun at last week ko pa din sinasabi na di ko yun type.
R: *pouts* Sige na, Maaaaaa... Gusto ko talaga mapanoooooood.
M: Yish! Parang bata. Go. Nood ka na. Ako. I still want some peaceful sleep without the image of that clown in my head.
R: Gusto ko kasama ka. *pulls at M's sleeve* Sige naaaa... Tara na kasiiiii...
M: *chuckles* Nakakainis. Wag kang magpa-cute. Di ko talaga bet kasi yun atsaka sa palagay mo, saang sine tayo pwede manood at this hour na di tatayo mai-spotan ng kahit sino? Chismis yan. Mapapagalitan na naman tayo.
R: Marami naman tsaka we could always use our disguises tsaka di naman na siguro tayo papagalitan, iba na ngayon.
M: *thinks* Sige. Pero pwedeng ibang movie?
R: *thinks* Okay. Basta kasama ka. Ikaw pumili. *opens Click the City app on his phone and gives it to M*
M: *browses through the movie selections* Hmmm... Love, wala naman akong gustong panoorin dito. *pouts* Where have all the good Rom-Coms gone?
R: Wala lang sigurong showing ngayon, Love. *sighs*
M: *sighs*
R: Next time na lang tayo mag-sine. *smiles weakly at M*
M: *senses R's disappointment, make a few clicks on his phone* I guess ganoon talaga. Next time na lang tayo pero tonight, manonood ka na ng "It".
R: Huh? Hindi nga kasi. Dito na lang ako.
M: Hindi pwede. Nabili na kita nang ticket. Sayang. Na-charge na yan sa card ko.
R: Uy! Love...
M: Hay naku! Wag ka na kumontra. Go. Enjoy the movie. Deserve mo yan. *smiles*
R: Paano ka? *sighs*
M: Eh di malilibre ako sa'yo for a few hours. *grins*
R: Ganoon?! Sawa ka na sa akin?!
M: *laughs* Joke lang. Ang drama mo kasi eh. Pwede naman kasing mag-enjoy lang. Ang babata pa natin para maging masyadong intense sa mga bagay-bagay. Pwede naman kasing may lakad ka, may lakad ako, may trabaho ka, may trabaho ako, ganoon. Sa huli naman sa isa't-isa pa din ang uwi natin. Sa iyo ko pa rin ikukwento ang araw ko at ganoon ka din sa akin. Tayo pa rin ang magkatabi matulog at unang magkikita paggising. May forever tayo to spend with each other para maging clingy at mushy palagi and it will be healthy to spend a few alone times din to give each other a little space to grow individually in that way mas marami tayong maco-contribute sa relationship nating dalawa.
R: Ganoon pala kalalim ang hugot ng pagpayag mong mag-sine akong mag-isa? *grins as M hits his arm* Pero tama ka, Love. At ikaw bilang naturally introvert will always need time for yourself and I respect that. Kung okay lang sa'yo na manood ako ng sine nang hindi ka kasama, okay din sa akin na i-lock mo ako sa labas ng kwarto ng ilang oras o magbabad ka sa banyo ng dalawang oras kapag kailangan mo ng "Me" time.
M: Uy! Minsan lang naman yun. *giggles as she remembers the time she felt so suffocated with the world that she shut everyone out including R for a few hours, she also admittedly spends longer time in the bathroom where she can be alone for a while to give herself some time to breathe and de-clutter her mind* Sorry if I'm this way.
R: Don't say sorry. Naiintindihan ko naman na. Slowly, you made me understand how an introvert mind works at talagang may mga pagkakaiba din tayo.
M: Kasi ikaw. You can't be by yourself nang matagal. Kaya napaka-clingy mo.
R: *chuckles* Ganoon pero ngayon minsan hinahanap ko na din ang silence of my own mind. *grins* Nahawaan mo ata ako.
M: I've become more vocal with my feelings because of you, so may naihawa ka naman din sa akin. *grins*
R: Totoo nga siguro na you become the things you love.
M: Siguro nga. *smiles* Sige na. Male-late ka na sa movie. Ba-biyahe ka pa. Enjoy your alone time.
R: Ikaw, Love? gagawin mo sa alone time mo?
M: Hmmm... Warm bubble bath while listening to my favorite songs then curl up with my laptop in bed to watch some romantic comedies. *sighs dreamily* Yun.
R: Parang gusto ko na yan din ang gawin. Tara na sa bubble bath.
M: *rolls eyes* Haaay... Paano magiging alone time yun kung nandoon ka. Magiging sexy time na naman yun pag sumama ka sa bath tub. Me time muna tayo for a few hours di ba nga?
R: Oo na nga po. *stands up and walks to the living room*
M: *sighs, follows R and slips her arms around his waist to hug him from the back* Sige na ha? Enjoyin mo lang muna yung movie tapos pag uwi mo... Alam mo na... *whispers in his ear* babetime naman.
R: *turns to face M, wrapping his arms around her back* Gusto ko yan. Sige. Alone time muna tapos babetime. Eh ngayon? Alam mo kung anong time na? *wiggles his eyebrows*
M: Ano?
R: Hockey time. *grins and pulls M closer as he crashes his lips on hers to kiss her deeply and passionately* 💏
💛🍃
********
Unbeta'ed and not proofread.Thank you for reading.
BẠN ĐANG ĐỌC
Payb Takes Book 3
FanfictionImagined BTS MAICHARD Stories 💛 Mr. and Mrs. Faulkerson are back for more kilig, cheese, mush, emo, kisses and harot in this third installment of Payb Takes.💛