June 28, 10:30 pm:
M: *arrives at the condo*
ND: *greets M* Welcome home, anak. *smiles*
M: Nay! *hugs ND* Ano pong ginagawa niyo dito? Buti po nakapasok kayo.
ND: Ah-ano... Wala naman. Na-miss ka lang namin, nak. Si Ten-Ten ang kasama namin kanina, may susi daw siya.
M: Ah opo. Naglilinis po si Mama Ten kahit wala kami. Andito si Tatay?
ND: Oo. Nasa ano sa...
TD: *calls from the guest room* Meann! Pakitingin mo nga ito kung tama bang dito ipwesto yung cabinet.
M: *looks at ND curiously* Cabinet? Anong cabinet, Nay?
ND: A- ano... Kasi... Teodoro! Lumabas ka muna. Andito na si Menggay.
TD: *steps outside in the act of concealing a measuring tape* Anak! *smiles and hugs M who was on her way to the guest room* Asawa mo?
M: Pasunod na po. Tay? Ano pong sinusukat niyo sa loob? Anong cabinet?
TD: Cabinet ng bata. Naisip kasi namin ng Nanay mo na kung maglalagay kayo ng nursery dito dapat customized lahat ng gamit para convenient sa inyo at ma-maximize lahat ng space. Dapat din i-baby proof natin tong unit niyo. Delikado.
M: Nursery? Baby proofing? Nursery talaga? As in pang-baby? Nursery? Tatay? *eyes her parents confusedly*
TD: Oo. Wala naman hardinero sa inyo para maging pang-halaman yung nursery. Pero kung ako ang tatanungin mas maganda talaga na makalipat kayo sa bahay talaga yung may malawak na tatakbuhan ang apo ko, hindi gaya dito.
M: Tay? Hindi pa nga po ako nabubuntis, may nursery na agad tapos ngayon tumatakbo na yung bata? May taxi bang naghihintay sa inyo sa baba? Nagmamadali?
TD: Excited lang naman, nak.
R: Excited po saan? *beams from the living room as he hugs ND and TD then kisses M's cheek*
M: Ang tagal mo. Si Tatay tuloy nakapili na ng university para sa pag-college ng anak natin.
TD: Bakit alam mo, nak?
R: Sorry. Traffic, Love. Teka... Ha? Ano si Tatay?
M: *shakes her head* Susmaryosep! Bakit biglang eto po ang usapan? Wala naman pong time difference ang HongKong pero feeling ko magkaka-jetlag ako sa layo ng nilakbay ng usapan natin eh.
R: Anong nangyayari, Love? Umupo po muna siguro tayo.
M: *tells R her parents' plans about the guest room along the way*
R&M: *sit on the couch while TD sits on the single sofa with ND on the arm rest*
M: So paano niyo nga naisip yan, Nay? Anong nag-trigger ng pagsugod niyo dito sa amin para planuhin ang nursery ng apo niyo na hindi pa nga nabubuo ang embryo?
ND: Ano kasi alam naming sinusubukan niyo na kaya na-excite kami.
M: Paano niyo po naisip yun?
ND: Una. Nung naglinis dito si Pepe bago kayo umalis papuntang HongKong nabanggit niya na may nakita siyang pregnancy test kit pero negative.
YOU ARE READING
Payb Takes Book 3
FanfictionImagined BTS MAICHARD Stories 💛 Mr. and Mrs. Faulkerson are back for more kilig, cheese, mush, emo, kisses and harot in this third installment of Payb Takes.💛