Alyssa Pov
Maaga ako nagising para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Tumingin naman ako kay Yanah at mahimbing pa ang tulog nya. Bumangon ako sa higaan at pumunta sa cr to do my daily rituals after nun lumabas na din ako ng room namin at pumunta sa kitchen, pero mas nauna pa din si Manang Fe gumising sa akin.
Alyssa: Good morning manang
ManangFe: Morning Ly, ang aga mo naman nagising?
Alyssa: Di na kasi ako makatulog eh
Manang: Bakit may problema ba?
Alyssa: Meron po, at di ko alam kung anu ang gagawin ko
Manang: Ito muna magkape ka..Alam mo ly di ka na iba sa akin, kilala kita simula nung bata ka pa sa batangas. Pwede mo akong kwentohan kung ano ang problema mo, handa akong makinig anak
Alyssa: Thanks Manang,.
Manang: Anu ba yan kasi ang problema mo? tungkol pa din ba yan kay kiefer? napansin ko yung mukha mo pagdating mo dito kagabe, di na muna kita tinanong baka magulo pa yung isip mo.
Alyssa: Uhm opo eh, nagkita kasi kami kahapon kela Lau sa bahay nila, di ko alam na kasama pala sya ni Von.
Manang: Anu bang ginawa mo? sinabi mo na ba sa kanya na sya ang ama ni Yanah?
Alyssa: Nung una symepre nagulat ako pati sya, tapos ayon biglang umalis at sobrang galit yung mukha nya
Manang: Siguro pati sya nagulat din sa pagkikita ninyo, at baka di pa rin sya makamove on dun sa nangyari
Alyssa: Yun na nga po eh, pero humingi din naman ako ng sorry sa kanya. Siguro nga po malalim na sugat talga ang iniwan ko sa kanya
Manang: Hindi mo rin sya masisi Ly, pero paguunawa lng dapat at sana ba lang araw ay maintindihan nya at matanggap nya yung anak ninyo. lalo't na lumalaki na si Yanah at andito na kayo ulit sa Pilipinas.
Alyssa: Yun na nga po eh, minsan naawa ako sa anak ko. Hinahanap nya na tatay nya, wala syang kamalaymalay na andito lng tatay nya di pa kami ok at magkasundo.
Manang: Wag kag magalala anak magiging ok din ang lahat.May awa ang Dios sa atin.
Alyssa: Salamat manang, medyo naibsan yung mga worries ko
Ngumit naman si Manang sa akin, at pinagpatuloy namin ang paghanda ng almusal. Pagkatapos namin maghanda pumunta ako sa kwarto para gisingin si Yanah lumabas ma din kami at kumain.
Handa na din ako para sa pagpasok ko sa trabaho lalo na wala namn akong kotse baka matrapik ako sa daan at malate pa sa trabaho.
Nakarating naman ako sa trabaho at buti naman di ako na late. Ginawa ko naman yung mga trabaho ko di ko namalayan na malapit na pala ang lunch time. Bigla naman nagring yung phone si Denden pala tumatawag.
Alyssa: Hello besh?
Denden: Hi Ly, bumista kami dito sa condo mo na miss kasi namin sa Yanah kaso nung pauwi na kami gusto nyang sumama sa amin maglunch. Ok lng ba?
Alyssa: Sino ba kasama nyo?
Denden: Kami ni Ella at Amy lng, btw naglunch ka na ba?
Alyssa: Nope! may ginagawa pa kasi ako ngayon lng natapos.
Denden: Bakit di ka na lang sumama sa amin maglunch. And don't worry about Yanah andito naman kami eh..
Alyssa: Ok ok..txt nyo na lang ako kung saan tayo kakain.
Denden: Ok besh, babye!
Alyssa: Bye!
Naglipit na lang ako ng mga gamit ko at pumunta sa cr para magretouch, di naman ako masyado nagmake up light lang. Nakasanayan ko na din nung nasa Australia ako.
Meron din nagaya sa akin mga kaofficemate maglunch pero sabi ko na lang may pupuntahan ako.
Di naman ako masyado nagworry tungkol kay Yanah alam naman ng tao at nakita na nila. Anu pa ang itatago ko mas lalo pa lumaki ang issue kung itatanggi ko pa.
Lumabas ako ng building at sumakay sa taxi papuntang mall dun kasi kami magkikita ni Besh, buti lang din di masyado matrapik sa dinaanan namin at nakarating naman ako agad.
Tinawagan ko muna si Denden mas nauna kasi sila dumating kesa akin.
Denden: Besh asan ka na?
Alyssa: Andito na ako, kararating ko lang. saan banda kayo?
Denden: Nasa toys department kami besh, pinasyal lang muna namin si Yanah
Alyssa: Ah ok pupunta na ako dyan
Denden: ok besh babye
Pumanta ako sa toys department kung saan andun sila. Nakita ko naman sila agad kasama si Yanah at may bitbit na stuff toy.
Alyssa: Hi guys, hi baby!
Denden: Hi besh!
Yanah: Hi Nanay!Look I have a new toy, tita Amy bought this for me.
Alyssa: Wow ang cute nama yan, nasaan pala yung dalawa?
Denden: Nasa counter binayaran pa yung binili ni Ella para gift na ibibgay nya dun sa anak ng friend nya.
Alyssa: Ah ok, Yanah are you hungry na?
Yanah: Not yet Nanay... habang nilalaro yung laruan nya
Ella: Hi Ly andito ka na?
Alyssa: Wala pa besh, wala pa ako dito, kaluluwa ko lang 'to.
Ella: Ha ha ha nakakatawa bes, aray sakit sa tyan sobra!...pabiro nyang sabi
Alyssa: Baliw ka talaga besh hahaha
Amy: Tama na yan guys, Let's go and eat na.
Ella: Ay ikaw una nagutom besh?! Himala!
Denden: So dito na lang tayo? hindi na tayo kakain?
Amy: Sabi ko nga aalis na tayo, itong si Ella kasi daming alam.
Ella: Bakit ako?!
Alyssa: Stop na guys...saway ko sa kanila.
Kaya umalis na din naman kami, pero ung anak ko parang nakawala sa hawla ang ingay tapos ang bilis pangmaglakad.
Pinagtitinginan naman na nga kami ng tao at meron nakakilala sa akin kaya minsan yumuyuko ako.
Alyssa: Yanah behave, baka madapa ka...
Yanah: Sorry Nay...sabi nya nung humarap sa akin. Nung tumalikod sya ulit may nakabangga syang babae kaya natumba ng anak ko
: Aww sorry baby girl...sabi nung nakabangga sa kanya
Pagkita ko si Dani may dalang paper bag na nike shoes. Bigla naman sya tumingin sa amin at nagulat sya nung makita ako.
Yanah: Its ok po...sabi ng anak ko
Denden: Hi Dan! ano ginagawa mo dito?
Dani: Hi mga ate..ah may binili lang, Hi ate Ly..., nahihiyang bati nya sa akin
Alyssa: Hello...
Naging mabait si Dani nung kami pa ni kiefer lagi pa nakabuntot yan pagmay pupuntahan kami. minsan nga nagseselos na si kiefer dati kasi parang inaagaw daw ako ni Dani sa kanya.
: Dan, saan tayo kakain?
Nagulat naman ako andito pala si Kiefer kasama nya at nung makita ako. Pero mas nagulat sya nung may nagsalita.
Yanah: Nanay can we go now? I'm so hungry na...Habang hawak ang tyan nya at nakapout pa.
Alyssa: Ok baby, sige alis na kami
Dani: Pwede bang sumama na lang kami sa inyo? Gutom na din kasi ako eh
Kiefer: Dani!!!!
-----------
Sorry guys natagalan. Ayan na po! God bless everyone