Alyssa POVNapintig ang tinga ko sa sinabi nya. At anu bang kinagagalit ng damuhog na ito.
Alyssa: Sorry kung ngayon ko lang sinagot tawag mo nasa shower kasi ako.
Kiefer: Ang tagal mung sumagot.
Ay wow demanding?
Alyssa: Sorry na nga, teka bakit ka napatawag...pagkukunwari ko alam ko kung anu pakay nya bakit sya tumawag
Kiefer: Ask ko lang ko available ka tomorrow?
Magdidate kami?! Charing!
'Asa ka girl' hahaha
Alyssa: Oo naman, bakit mo na itanong?
Kiefer: About sa anak natin? Gusto ko sya mameet bukas kung ok lang sayo?
Alyssa: Oo naman, sure! What time ba?...bigla naman akong naexcite
Kiefer: Siguro over dinner na lang.
Dinner daw? Pero baka kung saan naman kami dadlhin. Siguro dito na lang sa bahay.
Alyssa: Uhm okay, ah Kiefer pwede bang dito na lang sa condo ko. Sa food ako na bahala.
Kiefer: Sige kung yan ang gusto mo. Siguro by 7pm.
Alyssa: uhm sige, ahh G-goodnight!
Kiefer: Good night!
Binaba namin ang tawag after namin magusap
NagGood night sya sa akin. Eeehhh! Parang kumakarera ang puso ko! Bakit ba ako kinikilig? Makatulog na nga!
Pagkagising ko pass 7am na. Sa sobrang excited ko para mamaya hindi ako masyado makatulog. Buti na lang hindi ma gising si Yanah kagabe panay baling baling ko sa sarili para makatulog.
Naghilamos muna ako at lumabas para makahanda ng agahan namin. After kung magluto ginising ko si Yanah, gising na din si Manang at nagliligpit ng kalat kagabe.
Kumain rin kami agad, magsisimba kami ngayon tapos maggogrocery para mamaya.
Hindi ko pa na sabi sa anak ko na may bisita kami mamaya.Habang binibihisan ko sya di ko maiwasan hindi ngumiti.
Yanah: Nay? Why are you smiling?
Alyssa: hmm? Happy lang si Nanay, baby.
Yanah: And why are you happy?
Nakalimutan ko palatanong 'tong anak ko.Alyssa: Happy si Nanay kasi happy ka din.
Ngumiti naman si Yanah sa akin ang hinalikan ako sa pisngi.
Alyssa: Ang sarap naman nun, isa pa nga!
Kiniss nya ulit ako.
Yanah: I love you,Nay.
Alyssa: I love you too, Anak! Ah btw may bisita tayo mamaya.
Yanah: Sino po?
Alyssa: An old friend baby.
Yanah: uhm ok!
Pagkatapos namin magbihis umalis kami papuntang simbahan para magsimba. After 1hr natapos din ang service kaya umalis na din kami.
Sa mall na lang kami naglunch pero na ngangamba pa rin ako baka may makapansin sa amin. Madami pa naman tao kasi weekend walang pasok halos gumagala. Bahala na nga minsan lang naman 'to.
After namin maglunch, naggrocery agad kami para makauwi agad baka kasi matrapik pa kami sa daan mamaya.
Meron tumitingin sa amin alam ko kung anu nasa mga isip nila kaya hinayaan ko na lang.