Pagdating namin sa building ng pinagtrabahuhan ko, tatanggalin ko sana ang setbelt at bubuksan ang pinto pero pinigilan nya ako.
Kiefer: Ako na..
Bumaba sya sa kotse at pinagbukasan ako, pero hindi pa rin ako bumababa.
Alyssa: Bakit pa kasi? Pwede naman ako na lang, baka may makakita pa sa atin dito.
Kiefer: Wag kang oa dyan! Malamang may makakita sa atin kasi may mata sila. Baba ka na, late na oh.
Agad naman ako bumaba, at inayos ang suot ko.
Alyssa: Salamat sa paghatig, Kief.
Kiefer: Welcome. I'll call you kung kelan ko ulit makikita si Yanah.
Alyssa: Okay! Sige ingat ka.
Kiefer: Ikaw din
Bumalik sya sa kotse at pinaandar nya, pinaalis ko muna sya bago ako pumasok sa loob.
Everything is going well buong araw nakatutok ako sa trabaho ko. Madami rin kasi akong namiss nagawin dahil nagabsent ako.
Paalis nasa ako sa trabaho nung may tumawag sa phone ko.
Alyssa: Hello?
'Besh asan ka?-Ella
Alyssa: Nasa opisina pa. Bakit?
'Labas naman tayo nina den, kahit sandali lang'- Ella
Alyssa: Okay sige! Saan ba?
'Sa Rainbows Cafe, okay lang ba?- Ella
Alyssa: Sure! Kita na lang tayo dun.
'Sige papunta na din kami, bye besh'- Ella
Alyssa: Bye!
Pagkatapos namin magusap inayos ko mga gamit ko at umalis. Nagabang ako ng taxi at buti na lang may nasakyan ako agad. Pagdating ko sa rainbows cafe hinanap ng mga mata ko kung saan sila baka kasi nauna akong dumating. Tinawagan ko muna si Ella kung saan sila banda.
'Hello besh?'-Ella
Alyssa: Asan na kayo? Andito na ako sa loob?
'Kararating lang din namin'- Ella
Alyssa: Ah ok
Maya't maya dumating na din sila bumeso kaming tatlo at umupo. Nagorder kami ng kakainin namin.
Denden: So? Ms. Alyssa C. Valdez care to share something?
Alyssa: Anong ishare ko sa inyo?
Ella: Hoy baldo! Wag kang painosente. May utang kang kwento sa amin.
Alyssa: Sa pagkaalam wala akong ikukwento sa inyo.
Ella: Meron! Kaya wag kang madamot.
Denden: Oo nga! So anong nangyari kahapon?
Alyssa: So kaya nyo ako inayang lumabas kasi gusto nyo magkwento ako?
Ella: Yes besh! Kaya magkwento ka na.
Alyssa: Ayoko!
Ella: Alam mo grabe ka.
Alyssa: Kailangan bang kwento pa yun?
Denden: Oo naman! Kaya go na, wag pabitin.
Alyssa: Ikukwento ko naman sa inyo, atat lang kayo.
Ella: Daming pasakalye, kwento na.
Alyssa: Ito nga, kumain lang kami ng dinner tapos nun pinakilala ko si Yanah sa tatay nya. Kinabahan pa ako kasi akala ko galit si Yanah kasi bigla ba naman umiyak, yun pala tears of joy.