-DAWN'S POV-
"THANK YOU MANONG!" Sigaw ko kay Manong at agad na bumaba ng kotse nang makarating na kami sa loob ng aming campus. Nagmamadaling naglakad at takbo patungo saming classroom dahil late na naman ako.
"Tapos na ba english?!" Bungad ko sa kala Lexia at Kaye na napahinto sa pagkwento nung marinig ako.
"Wala pa, parang wala nga si maam eh." Sagot sakin ni Lexia.
I sigh in relief.
"Mabuti naman" Hinihingal kong sambit at napakapit saking dibdib.
"Teka, bat hingal na hingal ka? At aga aga pa haggard kana?" Tanong ni Kaye sakin habang tinitingnan ang pag upo ko saking upuan.
Napalunok naman ako bago magsalita at pinunasan ang pawis na tumutulo. "Kasi naman, nalock ako sa CR namin. Sa dinami daming oras na pwede masira yung doorknob, yung pag pasok ko pa talaga." Iling iling ko dahil sa inis na tinawanan naman nung dalawa.
"Ano ba yan, sa yaman niyong yan di kayo makabili ng bagong doorknob." Bulong ni Kaye na para bang pinaparinggan din ako kaya napangiti ako.
"I heard yah!" Tugon ko at nilabas ang journal ko upang mag sulat sulat nalang ng kahit ano habang wala pang guro sa unahan.
"Ano sinusulat mo? Ano yan, pangalan ba yan ng crush mo?" Agad ko namang tinakpan yung notebook ko at tiningnan si Rafael na nakikisilip na pala sa mga sinusulat ko.
Kanina pa kaya siya sumisilip?
"Nakita ko talaga yun." Natatawang aniya. "Khalil right?" Dagdag pa niya rason para mapabalikwas ako ng upo nung binanggit niya ang pangalan ni Khalil.
"Pano mo-" Di makapaniwalang tanong ko.
"Well, narinig ko lang din naman sa inyo." Proud nitong sagot. Di naman ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla nung biglang merong sumingit sa usapan naming dalawa.
"Crush mo si kuya Khalil?" Agad akong napakapit saking dibdib nung nagsalita si Lala na nasa unahan ko na pala nakikiusyoso na rin saming dalawa ni Rafael.
Bat ba ang hilig ng mga tao mang gulat ngayon?
"Di mo nga kilala kung sinong Khalil" pailing-iling ko. And besides, sinusulat ko lang naman..
"Well, iisa lang naman ang Khalil na kilala natin at meron din siyang nabanggit sakin." Sabay lingon sakin at ngumiti na parang loko.
I gulped.
PAGKATAPOS ng ilang subjects na wala namang saysay dahil sa wala rin namang pumapasok na guro sa kadahilanang busy sila ngayon ay dumating na rin yung time ng asignatura namin na Economics.
"Good morning class" Napabaling ang aming atensyon sa may pintuan nung biglang nagsalita ang aming guro kaya agad kaming nagsitayo at binati ang aming teacher.
"Okay, you can seat now. Im just going to give you an assignment since there's an emergency." Well that was unfortunate.
"And tommorow nalang tayo magdiscuss, I'm so sorry class! So uhm Kaye! Come here." Nagmamadaling sabi ni Maam, tumayo naman agad si Kaye at lumapit kay Ma'am at pagkatapos ay merong sinulat sa black board.
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...