Chapter 16: Confrontation

9 1 0
                                    


"What a b*tch" sambit nung isa.

"Oh look, what do we have here"  sabi nila while wearing their sarcastic grin.

"Ohh, Bea. Whats the matter?" Pasweet kong tanong. Huminga naman siya at parang narelieved sa pagpansin ko sa kanya.

What a naive, isn't obvious that I'm faking it? Tsk.

"I missed you already" nahihiya nitong sabi habang nakayuko. Perks of taking her best friends boyfriend check.

"Really? The audacity"

"Kapal, hahah"

"Wow, do you think gusto ka pa namin maging kaibigan? After what you did to Chloe?" Maarteng sabi ni Rebecca.

Tinaas ko naman ang aking kamay sinyas na tumigil na sila. "Stop it girls, wag na natin siyang awayin. Baka dumating yung superhero niyang 2nd hand boyfriend" I pouted then faced my friends who then smirked.

"That's not my fault kung pumatol sakin si Franc!" Depensa niya na kinatawa ko.

"Yeah, right" then crossed my arms in my chest.

"And do you think we're gonna believe you? I'm gonna believe you?"  I went near her as she stand still infront of our table. Napansin ko namang nagsisitinginan na ang mga studyante ngayon dito sa cafeteria.

"Reb..." Pagmamakaawa niya habang nangungusap ang mga mata— sa kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Rebecca, na sakin na ngayon lumalapit— umaasang ipaglalaban siya nito ngunit umiling lang si Rebecca.

"Ganon nalang pala yun?!" Biglang bulyaw niya na kinagulat naming lahat.

"Nasaan na yung pinagsamahan natin dati?" Nagugulohang tanong niya ulit.

Napangiti naman ng mapait si Becca."Bakit tinatanong mo ako? Diba dapat yung sarili mo yung tanongin mo nyan?"  Aniya.

"Sabing di ko nga inagaw—"

"Aminin mo na kasi Bea, noon pa lang may pagtingin kana kay Franc." Pagputol ni Rebecca kay Bea. Napatigil naman kaming lahat dito, ni isa samin ay walang nagsasalita at nakikinig lang sa pag lalag ni Rebecca kay Bea.

"Diba? Marami kang ginawa para lang di sila magkatuloyan noon, you even used other people just so magtagumpay ka sa plano mo. But I'm sorry, I will not tolerate it this time." Paglaglag sa kanya ni Rebecca.

"Ayokong magkaroon ng mang aagaw na kaibigan." Tiim bagang sambit ni Rebecca habang nakatitig kay Bea.

What the actual fvck!? Too early for heartaches and revelation!

Bigla namang tumayo si Rebecca at tiningnan si Bea ng napakatalim. Kung nakakamatay lang ang pagtingin, for sure nakabulagta na ngayon si Bea sa sahig.

"Sana pinag isipan mo muna bago mang agaw." Matiim na wika niya.

"Can't you understand!? Di ko nga inagaw si Franc kay Chloe!" Pang gigigil ni Bea at tiningnan ako.

Napatawa naman si Reb bago magsalita ulit. "Ah, so ano yun? Sinabay ka lang? Bea, ganon din yun."  Di makapaniwalang ani Rebecca dahil sa katarantaduhang rason ni Bea sa kanya.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now